top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mas maraming namatay sa stress kaysa sa COVID-19!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 15, 2021



Yumao na ang dating boxing great na si Marvelous Marvin Hagler.


Karibal ni Hagler sina Sugar Ray Leonard at Thomas Hearns.


Hindi binanggit ang sanhi ng pagkamatay ni Hagler!


◘◘◘


May isang Pinoy na nagpunta sa Japan pero natuklasang positibo sa bagumbagong “variant” ng COVID-19.


Ibig sabihin, bago sumakay sa eroplano ang naturang Pinoy ay negatibo siya sa COVID-19—pero nang lumapag sa Japan ay biglang nagging positibo.


Malalim na palaisipan ito!


◘◘◘


Kinumpirma ng mga Japanese authorities na asymptomatic o walang sintomas ang naturang Pinoy.


Ibig sabihin, malusog ang Pinoy, pero positibo sa COVID-19!


◘◘◘


Isang maselang isyu 'yan.


Kahit malusog ang isang tao, ibig sabihin ay wala siyang anumang sintomas—ibibilang siya sa “biktima ng pandemya”.


Maaaring manatiling walang sintomas ang naturang Pinoy hanggang siya ay maging “negatibo” sa PCR test—pero isasama pa rin siya sa “istatistika”.


Hindi ba’t malaking “kalokohan” 'yan?


◘◘◘


Maraming kaso ng asytomatic o walang sintomas na nagpopositibo—at marami rin ay naging “negatibo” nang walang nararamdaman sintomas, pero kabilang sila sa “datos” na tinamaan ng COVID-19.


At dahil daw “sobra ang dami” ng bilang ng may COVID-19—kabilang ang walang sintomas—dapat mag-lockdown at labagin ang karapatan ng tao na bumiyahe!


◘◘◘


Mali ang protocol, labag ito sa Konstitusyon.


Dahil walang sintomas, at gumagaling naman talaga—hindi dapat isinasama ang mga ito sa “datos” na pinagbabasehan ng lockdown.


Ibig sabihin, maling-mali ang lockdown na siyang nagbunsod ng economic crisis at nagkait ng hanapbuhay sa milyun-milyong katao!


◘◘◘


Ang mga eksperto ay hindi kasingkahulugan ng “pagiging diyos” o “hindi nagkakamali”.


Maraming eksperto ay walang sintido kumon!


◘◘◘


Nagkaroon ng krisis sa ekonomiya, hindi dahil sa COVID-19, bagkus ay nagkaroon ng krisis dahil sa bopol na mga lider na nakikinig sa “walang sintido kumon” na mga eksperto.


Matagal nang mabilis makahawa ang flu, ang buong pamilya o buong baryo ay talagang tinatamaan nito—pero walang lockdown.


Naturalesa ng anumang flu ang makahawa.


Hindi bagong balita 'yan, matagal nang 'yan!


◘◘◘


Ang dapat binibilang lamang ay ang mga severe cases, pero hindi ang asymptomatic o mga walang sintomas.


Ang hospital ay karaniwang “kontrolado” ang bed capacity.


Normal na mapuno ang kapasidad ng ospital—sapagkat kapag maraming bakante ang silid—malulugi ang ospital.


Talagang pinupuno 'yan—kahit walang COVID-19 ay normal ang sitwasyon 'yan!


◘◘◘


Nagkakamal ng salapi ang mga ospital dahil sa paniningil sa PPE o extra charges sa mga nagpa-panic na pasyente.


Dapat imbestigahan ang mga ospital na guilty sa over billing.


Ang mga ospital ang mga nagbubunsod ng panic sa taumbayan!


◘◘◘


Mas marami ang namatay dahil sa stress at sobrang singil ng ospital.


Hindi tatanggapin ang pasyente nang walang COVID-19 test—hindi pa naadmit, may babayaran agad.


Kayraming nabiktima sa ganitong modus!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page