Mas malaya, mas makakadiskarte sa gitna ng pandemya, ayos!
- BULGAR
- Oct 27, 2022
- 1 min read
@Editorial | October 27, 2022
Patuloy na bumababa ang mga bagong kaso ng COVID-19, partikular
sa National Capital Region (NCR).
Base sa tala, bumaba ang mga bagong kaso ng COVID sa NCR mula 1,719 noong Oktubre 1 hanggang 248 noong Oktubre 25.
Dahil dito, bumaba rin ang pitong araw na average ng mga bagong kaso mula 807 mula Oktubre 12 hanggang 18 hanggang 491 mula Oktubre 19-25.
Ang NCR’s one-week growth rate of infections ay bumaba sa -39% mula sa dating -7%.
Ang reproduction number nito, bumaba rin mula 0.98 noong Oktubre 15 hanggang 0.74 noong Oktubre 25.
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nahawahan ng isang kaso.
Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nagpapahiwatig na ang transmission ng virus ay bumabagal.
Ang NCR’s seven-day positivity rate- o ang porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri ay bumaba rin mula 14.6% noong Oktubre 17 hanggang 11.6% noong Oktubre 24.
Ang occupancy ng intensive care unit ng NCR ay mababa pa rin sa 23%.
Malinaw sa datos na talagang bumababa na ang bilang ng nagkaka-COVID pero kailangan pa ring mag-ingat, lalo na't kasabay nito ay ang pagluluwag naman sa mga health protocols.
Ngayong hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa indoor areas, sana'y hindi naman ito ang maging dahilan para muling kumalat ang virus.
Lalo na ngayong Kapaskuhan na tiyak kaliwa't kanan ang mga party, huwag tayong maging pabaya.
Gamitin natin ang pagkakataon, ang mas malayang pagkilos o pamumuhay na makadiskarte at tuluyang makabangon mula sa pandemya.
Ito na ang simula ng bagong pamumuhay, ang tinatawag na 'new normal', huwag nating sayangin ang pagkakataon.



Comments