top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas maingat na pagbaba ng Alert Level, dapat lang!

BULGAR
Feb 4, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 04, 2022


Sa kabila ng paglipat ng ilang bansa sa “endemic stage” o ang pamumuhay kasama ang virus, plano ng gobyerno na magdahan-dahan sa panukalang tuluyan nang ibaba ang alert levels ng bansa.


Maghihinay-hinay din ang Department of Health (DOH) sa pagbaba ng alert levels dahil ayon sa ahensiya, kailangang busisiin nang maigi ang dami ng mga bakunado at mga lugar na maituturing na “safe space” bago ibaba sa Alert Level 1 ang mga ito.


Paliwanag ng isang opisyal ng DOH, marami pang kailangang pag-aralan upang makita kung kakayanin na nating makapamuhay nang kasama ang virus. Kasama na ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit, gayundin kung makikita na kontrolado na ang dami COVID-19 cases.


Naninindigan din ang DOH na kailangang palaging handa at bantayan ang sitwasyon upang makatiyak na magiging ligtas ang pagbaba ng alert level.


Samantala, sinabi ng Malacañang na hindi rin agad isasantabi ang paggamit ng alert level system. Habang ang ilang local government units (LGUs) ay pinili nang alisin ang mas mahigpit na restrictions sa mga hindi bakunadong indibidwal ngayong nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila.


Bagama’t magandang balita na kaya na nating magluwag ng restriksiyon, mahalaga na maging maingat tayo.


Tandaan, iba’t iba ang sitwasyon sa bawat bansa, kaya hindi porke nasa “endemic stage” na ang ilan, eh, magmamadali tayong tumulad sa kanila.


Kaya dapat lang na mas maging maingat tayo sa pagluluwag, lalo pa’t alam natin na kaunting pagluluwag lang, marami agad ang nagsisilabas at nakakalimot sa health protocols.


Kasabay ng pag-iingat ng gobyerno sa pagluluwag ng restriksiyon, responsibilidad naman ng mamamayan na pairalin ang disiplina sa lahat ng pagkakataon.


Hindi man mailagay agad sa Alert Level 1 ang bansa, ang mahalaga ay ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapanatiling ligtas ang mamamayan habang patuloy na nilalabanan ang pandemya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page