top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mas magaling si Super Tekla kay Vice Ganda dahil totoo siyang lalaki pero napaniwala ang mga...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2020
  • 1 min read

Pinoy na siya ay bading!!!

ni Ka Ambo - @Bistado | October 26, 2020



Korup daw ang mga taga-DPWH.


Ngayon lang ninyo nalaman?


◘◘◘


Wala raw ebidensiya laban kay Sen. Leila de Lima sa kasong illegal drugs.


Ito ay ayon sa kanyang abogado!


◘◘◘


Ang pagbaba raw ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID ay hindi dahil sa pagtigil ng Red Cross sa testing.


Weh, ‘di nga?


◘◘◘


Binuksan na nang 100 percent ang mga hotel.


Buhay na muli ang mga “kalapating mababa ang lipad”!


◘◘◘


Hindi raw totoo ang sinabi ni Pope Francis na payag ang Simbahang-Katolika sa civil union.


Sino ang sinungaling: Ang Santo Papa o ang spokesman ng gobyerno?


◘◘◘


Ibinabala ang pananalasa ng Bagyong Quinta.


Ingat po, simot na ang calamity fund!


◘◘◘


Naka-quarantine si VP Leni.


Ano naman kaya ngayon ang dasal ni Senate President Tito Sotto?


◘◘◘


Inirereklamo ang komedyanteng si Super Tekla ng kanyang dating ka-live in.


Mas lalo pa siyang sumikat!


◘◘◘


Sa totoo lang, si Super Tekla ay dapat bigyan ng parangal.


Siya ang tanging komedyante na nagpasaya sa publiko sa panahon ng pandemic!


◘◘◘


Nakakasawa, nakakabunsol at boring na ang ibang komedyante.

Paulit-ulit kasi ang estilo at diskarte.


Orihinal ang estilo ni Super Tekla!


◘◘◘


Kung bibigyan lang siya ng oportunidad, maaaring talunin niya sa kasikatan si Vice Ganda.


Silang dalawa ang talagang magkatapat—ala Nora-Vilma at Susan-Amalia!


◘◘◘


Magkakontra ang “beauty” nina Vice Ganda at Super Tekla.


Isang bakla kontra sa nagba-bakla-baklaan lang.


Kung pag-a-artista ang pag-uusapan, mas mahusay si Super Tekla.


Totoo siyang lalaki, pero napaniwala niya ang publiko na siya ay bading!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page