top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Mas mabigat na parusa sa mga smuggler at hoarder, patunayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 28, 2024
  • 2 min read

by Info @Editorial | Sep. 28, 2024



Editorial

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang ganap na batas ang Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.Sa pamamagitan ng bagong batas, magkakaroon ng mas matalim na ngipin laban sa ilegal na mga gawain na may kaugnayan sa agricultural economic sabotage kasama na rito ang smuggling, hoarding, profiteering at cartel operations na nagpapataas sa presyo ng mga bilihin.Mahigpit umanong ipapatupad ang batas upang masigurong maparusahan ang sino mang manabotahe sa sektor ng agrikultura.


Kaugnay nito, bubuo ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Enforcement Group na tututok sa pagbuwag sa smuggling operation at huhuli sa mga sangkot dito.


Ngayong may batas na, umaasa tayong agad itong maipatutupad at mabilis na makakasuhan ang lahat ng may kaugnayan sa agricultural sabotage.


Sa kasalukuyan, nahaharap ang ating bansa sa isang matinding hamon sa sektor ng agrikultura. Isang malaking salik sa problemang ito ay ang paglaganap ng agricultural smuggling at hoarding. 


Bagama’t nagsisikap ang gobyerno na tugunan ang isyung ito, hindi pa rin ito ganap na nalulutas. Ang mga ganitong gawain ay hindi lamang nagdudulot ng pinsala sa mga lokal na magsasaka, kundi pati na rin sa kabuhayan ng mga Pilipino.Ang agricultural smuggling ay hindi lamang simpleng paglabag sa batas, ito’y isang krimen na naglalantad sa kahinaan ng ating mga polisiya at regulasyon. 


Sa kabilang banda, ang hoarding naman ay isang mapanlinlang na taktika na ginagamit ng ilang negosyante upang manipulahin ang presyo ng mga bilihin. Ang mga mamimili ang siyang nagiging biktima sa ganitong sitwasyon.Kaya naman, mahalaga ang mga batas na kontra agricultural smuggling at hoarding. Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang makatutulong sa mga magsasaka kundi magbibigay din ng proteksyon sa mga mamimili laban sa mga mapanlinlang na gawain. 


Kailangan nating palakasin ang mga institusyon na may pananagutan sa pagpapatupad ng batas at tiyaking mayroong wastong pagsubaybay at parusa sa mga lumalabag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page