Mas mabigat na parusa sa mga humaharang sa bumbero
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | February 3, 2026

Ang mga drayber na humaharang sa mga bumbero ay iresponsable. Kapag may sirena at umiilaw na ang fire truck, malinaw ang utos—tumabi at magbigay-daan.
Pero marami pa ring matigas ang ulo, nagmamadali para sa sarili, at walang pakialam kahit may nasusunog na bahay o taong nanganganib mamatay.
Ang bawat segundong pagkaantala ay may kapalit. Hindi ito simpleng traffic violation. Kapag naantala ang bumbero dahil sa pasaway na tsuper, maaaring may mamatay.
Hindi dahilan ang “nagmamadali rin ako” o “konti lang naman ang harang.” Sa oras ng sakuna, walang maliit na sagabal.
May batas, pero tila walang takot ang ilan. Ibig sabihin, kulang ang disiplina at malasakit. Dapat mas higpitan ang parusa—multa, suspensiyon ng lisensya, at kung kailangan, kulong. Hindi dapat pinagbibigyan ang ganitong asal dahil buhay ang kapalit.
Kung hindi kayang magbigay-daan sa bumbero, huwag nang magmaneho. Ang kalsada ay hindi para sa makasarili. Sa oras ng emergency, isang tamang desisyon lang—tumabi—ang pagitan ng buhay at kamatayan.






Comments