top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mas mabagsik na batas laban sa child abuse

BULGAR
Dec 10, 2022
1 min read

@Editorial | December 10, 2022


Nakapanlulumo ang ulat na ang Pilipinas ang nangunguna sa kaso ng pang-aabuso sa mga bata.


Ayon kay United Nations Special Rapporteur on the Sale and Sexual Exploitation of Children Mama Fatima Singhateh, ang ‘Pinas ang numero uno sa sexual exploitation sa buong mundo.


Ang ating bansa umano ang nangungunang source at lugar ng child trafficking, pagbebenta, sexual abuse, maging forced marriage at labor.


Kulang din umano ang legal provisions na nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas para maparusahan ang mga umaabuso sa mga bata.


Kaya ang panawagan sa ating gobyerno, magkaroon ng mas mabagsik na batas laban sa pang-aabuso sa mga bata.


Bukod sa mga magulang, malaki ang papel ng gobyerno sa kanilang kaligtasan.


Kaya’t sampolan ang mga mapagsamantala, huwag silang hayaan na mamayagpag sa lipunan. Anumang estado ng buhay, edad at kasarian ay karapat-dapat maprotektahan.

Lahat ng uri ng pang-aabuso ay dapat nang matuldukan.


Protektahan natin ang mga bata laban sa masasamang tao o grupo.


Masyado na silang lantad sa mga abusado at mapagsamantala, kailangang dagdagan pa ang kilos laban sa mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page