top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas mababang daily COVID-19 cases, posible kung lahat may disiplina

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 17, 2022



Maaaring nasa 83 COVID-19 cases na lang ang maitala sa Pilipinas kada araw sa kalagitnaan ng Marso, base sa datos na ipinrisinta ng Department of Health (DOH).


Ito ay kung mapapanatili umano ng bansa ang antas ng pagsunod sa minimum health standards.


Gayunman, maaaring nasa 7,745 naman umano ang bilang ng daily COVID-19 cases sa parehong panahon kung bumaba nang 19% ang pagsunod ng publiko sa minimum health standards.


Bukod sa mga health protocols, ilan pa sa mga isinang-alang-alang sa nasabing projections ang mobility ng populasyon at pagtaas ng antas ng pagbabakuna laban sa COVID-19.


Lumabas ang mabababang projections kahit nagsimula na ang kampanya para sa 2022 national elections, kung saan kaliwa’t kanan ang political events gaya ng mga caravan.


Samantala, matatandaang mananatili sa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang matapos ang Pebrero.


Bagama’t kapansin-pansin ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 araw-araw, tulad ng palagi nating sinasabi, hindi ito pahiwatig na puwede na tayong mag-back to normal. Sa halip, dapat tayong masanay sa ‘new normal’, kung saan tuloy ang mga pag-iingat laban sa sakit dahil nariyan pa rin ang virus.


Lalo pa ngayong mas maluwag ang restriksiyon at mas maraming nakalalabas, idagdag pa ang mga pagtitipon na idinaraos sa iba’t ibang lugar dahil sa kampanya.


Kaya kahit, posible ngang bumaba sa 100 ang arawang COVID-19 cases, ang tanong, kakayanin ba natin ito?


Hindi porke sinabi ng kagawaran na posibleng mangyari ito, eh, aasa na lang tayong magkakatotoo ito. Bilang mamamayan, may tungkulin din tayong dapat gampanan at ‘yan ay ang pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page