top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas lamang ang kandidato na may pinag-aralan kaysa sa mga puro pramis lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 5, 2022



YORME ISKO, BAKA TALUNIN PA NINA BBM AT LENI SA MAYNILA–Noong Pebrero 20, 2022 ay dinagsa ng mga taga-Maynila ang caravan ni presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos at kamakalawa, Marso 2, 2022 ay dinagsa rin ng mga taga-Maynila ang political rally ni VP Leni.


Sa totoo lang, masamang pangitain ‘yan kay presidential candidate, Mayor Isko Moreno kasi hindi nila solid na makuha ang Maynila at talunin pa siya nina BBM at Leni sa sarili niyang balwarte, boom!

◘◘◘


MGA KANDIDATO, KULANG NA LANG IPANGAKO ANG BUWAN AT BITUIN, IBOTO LANG–Malaki ang paniniwala ni vice-presidential candidate, Sen. Vicente “Tito” Sotto na mas iboboto ng mga wise voters ang mga kandidatong napag-aralan nang matagal ang mga suliranin ng gobyerno kaysa sa mga kandidatong pati buwan at bituin ay ipinapangako makuha lang ang boto ng mga botante.


May punto si TitoSen kasi ang ibang kandidato ay kung anu-anong imposibleng pangako ang ipinapangako sa mga botante, pero kapag naluklok na ay hindi naman alam ang gagawin kung paano ipatutupad ang kanilang mga campaign promise, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page