top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Marupok daw kaya bumigay… CLAUDINE, UMAMING 1 MONTH LANG SILA TUMAGAL NI MILANO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 10, 2026



Claudine Barretto - IG

Photo: Claudine Barretto - IG



Itinanggi ng aktres na si Claudine Barretto na nagkabalikan sila ng kapatid ni Korina Sanchez na si Milano Sanchez.


“No, that’s not true, we’re friends,” sey ng Optimum Star nang makausap namin sa Grand Family Day and mediacon ng pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion (HADRDR) na ginanap sa Makabagong San Juan National Government Center last Monday.


She revealed na matatawag daw na ‘whirlwind’ ang nangyari sa kanila dahil tumagal lang ito ng one month.


“In all fairness naman sa kanya, no, I don’t think that’s counted, ‘yung one month. That was really a whirlwind relationship, it was a whirlwind friendship talaga siguro,” aniya.

“And I think, we’re really talagang... no, I believe that we’re really hitting it off as friends,” dagdag pa niya.


Tinanong namin kung nag-date ba sila for one month at sagot naman niya, “Parang ganu’n, oo.”


Feeling ni Claudine ay hindi pa raw siguro talaga tamang panahon para muli siyang magmahal.


“And ang layo ng mundo n’ya sa mundo ko. Mahirap, mahirap talaga,” giit pa niya.

Pagbibiro pa ng aktres, ang take-away niya sa nangyari sa kanila ni Milano, “When you’re vulnerable, don’t fall in love,” sabay tawa. 


“‘Yun lang ‘yun. Saka medyo lumayu-layo tayo sa mga wakes,” sabay tawa ulit. 

Biro pa niya, “Sa mga burol kasi, medyo ru’n ka nate-take home, eh.”


Samantala, during the mediacon ay hindi napigilan ni Claudine na maging emosyonal dahil napakaespesyal talaga para sa kanya ng sitcom na Home Along Da Riles, kung saan isa siya sa mga mainstay kasama ang late Comedy King na si Dolphy.


Marami siyang matatamis na alaala sa sitcom at sa lahat ng kanyang mga kasamahan dito, kaya sobrang happy niya na gawin itong pelikula ngayon mula sa direksiyon ni Boy 2 Quizon.


Ibang klase raw ang kanilang naging samahan ng buong cast na kahit nawala na ito sa ere at wala na rin si Dolphy ay patuloy pa rin ang kanilang communication.

“I wouldn’t be able to be where I am right now or have gone through everything na pinagdaanan ko kung wala itong pamilyang ‘to,” aniya.


Kaya proud na proud si Claudine for Boy 2 na finally ay maipapalabas na ang movie.

“Pinaghirapan ni Boy 2 ‘tong pelikulang ‘to,” aniya. 


Pahabol niya, “Exciting kasi napakaganda talaga ng pelikula.”

Showing na ngayong June 17 ang movie at siyempre, kasama rin dito ang original cast ng sitcom na sina Nova Villa, Smokey Manaloto, Vandolph, Sherilyn Reyes, Maybelyn Dela Cruz, Cita Astals, Dang Cruz, Sunog Baga Boys at marami pang iba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page