top of page

Marunong daw kumilatis ng singer… JILLIAN, PALIT KAY AI AI BILANG JUDGE SA THE CLASH TEENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 19, 2026



TEKA NGA - JILLIAN, PALIT KAY AI AI BILANG JUDGE SA THE CLASH TEENS-FB Jillian Ward & Ai Ai delas Alas

Photo: FB Jillian Ward & Ai Ai delas Alas



Excited si Jillian Ward sa pag-upo bilang isa sa mga judges ng The Clash Teens (TCT). Siya ang pumalit kay Ai Ai delas Alas na nasa bakasyon sa USA.


Nagsimulang child star si Jillian sa GMA Network. Hindi lang sa pag-arte siya nahasa kundi natuto rin siyang kumanta at sumayaw, na nagagamit niya sa mga regional shows ng GMA-7. 


Kaya alam ni Jillian kung paano kumilatis ng talent sa pagkanta.

Nakaka-relate si Jillian sa mga aspiring singers dahil naaalala niya kung paano

siya nagsimula sa showbiz. 


Hindi rin niya malilimutan ang utang na loob sa GMA Network na nagtiwala at gumabay sa kanyang kakayahan at talento. Hanggang ngayon ay patuloy siyang ginagabayan sa kanyang journey bilang Kapuso artist.


Well, hindi naman siguro siya huhusgahan kung napili siyang maging isa sa mga judges ng The Clash Teens.





NAPAKAGUWAPO at bibo ang anak ni Ian de Leon na si Jaden, kaya marami ang nag-o-offer upang siya ay mag-artista. 


Pero sey ni Ian, hanggang sa commercial muna nila papayagang lumabas ang anak. Ayaw nilang apurahin at isalang agad ito sa showbiz dahil prayoridad ng bata ang pag-aaral upang mamuhay nang normal.


Noong first death anniversary ni Nora Aunor last April 16, pinagkaguluhan ng mga Noranians si Jaden. Maraming fans ang nagpa-picture sa kanya nang sumama siya sa Libingan ng mga Bayani. Ang suporta ng mga Noranians kay Nora ay ibinabaling na ngayon kay Jaden.


Heartthrob in the making itong si Jaden de Leon at mukhang nasanay na rin siya sa atensiyon ng mga fans. Hindi siya nagsusungit at hindi rin umiiwas sa mga nagpapa-picture, lalo’t nakikita niya kung gaano kalapit ang kanyang ama sa mga Noranians.




ISANG malaking tagumpay ang inihandang tribute kay Nora Aunor ng grupong Nora Aunor and Friends sa pangunguna ni Marie Cusi.


Ang tribute ay bahagi ng selebrasyon para sa first death anniversary ng Superstar at National Artist na si Nora. Nagtulungan din ang iba’t ibang grupo ng Noranians para gawing maayos ang event na idinaos sa Army Navy Golf Club sa Taguig.


Nagkaroon ng misa bago sinimulan ang programa. Nagkaroon din ng pa-contest ang mga Noranians at kani-kanyang production number.


Dumalo rin sa pagtitipon si Portia Ilagan, ang celebrity trusted friend ni Nora Aunor na nagsilbing adviser ng mga Noranians.


Sa event ay pinagkalooban din ng pagkilala bilang Natatanging Noranian ang long-time yaya ni Aunor na si Jen Donna Pergis Morera na naging matapat sa Superstar. Siya ang nag-alaga kay Aunor noong nagkasakit ito hanggang sa pumanaw.


Isang taon nang jobless si Jen mula nang pumanaw ang Superstar, pero regular pa rin siyang dumadalaw sa puntod nito sa Libingan ng mga Bayani. 


May mga Noranians na nagbibigay sa kanya ng pamasahe bilang pasasalamat sa pagiging loyal niya kay Nora Aunor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page