Martial Arts Jendo sagot sa mga batang lulong sa gadgets
- BULGAR

- 4 days ago
- 1 min read
ni VA @Sports | April 26, 2025

Photo: Sina National Training Directors Guro Mark Vincent Doblada, Founder Grandmaster at Professor Jonathan Makiling Abaya, Guro Georgia Zaragoza at Jendo Association of Mandaluyong President Guro Christopher Matias ng Jendo Philippines Inc., nang bumisita sa TOPS Usapang Sports sa PSC media center. (Reymundo Nillama)
Nais ng Jendo Philippines Association (JPA) na imulat ang mga kabataan sa martial arts para mas maging aktibo ang lifestyle at mabawasan ang paglalaro ng gadgets.
Ang Jendo ay nag-umpisa noong 1973 sa Mandaluyong City mula kay founder Grandmaster at Professor Jonathan Makiling Abaya na isang fighting art na ginagamitan ng empty hands at traditional na Filipino weapons bilang parte ng self-defense.
Nakarating din ang Jendo sa Korea, US, at mga bansa sa Middle East na malaking factor upang buuin ang International Jendo Federation. Sa ngayon ay naka-focus ang grupo sa pagdaraos ng training programs pati na ang local tournaments taun-taon upang maka-develop ng mas marami pang kampeon sa Jendo.
"Ang number one requirement namin ay mag-grow kami nationwide sa grassroots. Ang events ay tinatakbo ngayon ay ang National Martial Arts Games Committee (NMGC) Games, In-School Youth Martial Arts Games at ang Jendo National Championships at isasagawa natin sa last quarter of the year," saad ni Abaya sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. Usapang Sports sa Philippine Sports Commission (PSC) media room.
Isasagawa naman sa Nobyembre sa San Mateo, Rizal ang susunod na local competition ng JPA.




Comments