top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

MARLO, KILALA NA ANG NAGPAKALAT NA NANUNULOT SIYA NG BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2023
1 min read

ni Maricon Nolasco @MarisPluk |August 28, 2023



May mga impormasyon na raw ang Kapamilya actor na si Marlo Mortel tungkol sa may-ari ng Facebook account na nagpakalat ng mga malilisyosong akusasyon laban sa kanya earlier this month.


Inakusahan kasi si Marlo ng naturang user na sinulot diumano niya ang boyfriend nito at nagyayaya rin daw siya na makipag-threesome. May ginagamit din daw siyang "social media girlfriend" upang pagtakpan ang kanyang tunay na sexuality.


Ayon pa sa naturang user, pinipilit din umano ng Kapamilya actor ang kanyang boyfriend na pumunta sa condo niya. Mabilis na nag-post si Marlo sa kanyang social media upang itanggi ang mga akusasyon sa kanya ng naturang user.


Sa katunayan, ini-report na raw niya ito sa NBI at nasa proseso na raw sila ng pag-alam sa katauhan ng naturang user. Na-trace na rin daw nila ang location nito at pinag-aaralan na ang mga susunod na posibleng hakbang tulad na lang ng pagsampa ng kaso.


Hindi rin daw apektado si Marlo ng mga malisyosong akusasyon laban sa kanya ng naturang user dahil alam daw niya na walang katotohanan ang mga ito at fake news lang.


Wala rin daw ideya ang Kapamilya actor kung bakit ito ginawa sa kanya ng naturang user, pero nakakasiguro ito na gusto lang siyang siraan nito.


Alam naman ni Marlo na public figure siya at hindi talaga maiiwasan na maintriga ka, pero 'di pa rin niya maiwasang mainis sa mga ito. Kaya pinayuhan niya ang mga tao na mag-fact check muna bago magpalakat ng mga impormasyon at 'wag din daw maniwala agad sa mga dummy accounts.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page