Markado sa Liyamadista ang Tatler Story at Windstorm
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 8, 2022
Sasalang si Tatler Story sa 3-Year-Old & Above Maiden Race ngayong araw sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Markado sa mga liyamadista sina Tatler Story at ka-kuwadra nitong Windstorm kaya inaasahang liyamado sila sa laban.
Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee, Jessie Guce si Tatler Story. May distansyang 1,400 meter race, ang ibang kasali ay sina Laktod, Bullet, Express Lane at Black Mole White.
Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa mananalong 3-year-old horse, suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang nasabing event.
Pitong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya tiyak na magiging masaya ang paglilibang ng mga karerista.
Paniguradong aabangan din ng mga karerista ang pagtatagisan ng bilis ng pitong batang kabayo sa 3-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa pang-apat na karera.
Nasa listahan sa event na may distansiyang 1,400 meter race ay sina Tenteng Enteng, Lights Out, Let It Shine, Cupid Bell, Crossroad, Shining Faith at Bratley.
Samantala, kinansela ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ang pakarera nila kahapon, araw ng Martes. May naka-schedule sanang bakbakan ng mga kabayo sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite, walang nasabing dahilan ng pagkansela sa ibinabang mensahe ng PRCI. "PRC races for June 7, 2022 (Tuesday) are cancelled. Next Racing Day will be on June 17, 2022 (Friday)," nakasaad sa facebook page ng PRCI.
Halo-halong komento naman ang mga karerista sa social media.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Windstorm/Tatler Story (3/3A), Bullet (2)
Race 2 - Magnum Force (6), Wild Act (1)
Race 3 - Kisskissbangbang (7), Adarna (8), Yoshiko (5)
Race 4 - Cupid Bell (4), Bratley (7)
Race 5 - Manlot Island (7), Hannah Rosa (3)
Race 6 - Sudden Impact (4), Sky Dancer (6)
Race 7 - Winning Move (7), Great Connection (6), Baling Rikit (5)





Comments