Marjorie, sinisiraan daw… DENNIS SA MGA ANAK: PAGLAKI N’YO, I WILL TELL YOU WHAT YOUR MOM DID TO ME
- BULGAR

- Apr 13, 2025
- 5 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 13, 2025
Photo: Dennis Padilla - Instagram
Punto por puntong sinagot ni Marjorie Barretto ang mga hinaing ng dating asawang si Dennis Padilla sa nangyaring kasal ng anak nilang si Claudia Barretto last Tuesday, April 8.
It’s all over town kasi ang mga rants ni Dennis kung paano raw siya itinratong visitor or guest lang sa kasal, gayung siya ang father of the bride. Ikinasama nga rin ng loob ng aktor na hindi siya ang naghatid sa altar sa anak.
Bukod sa posting sa social media ay nagpa-interview pa si Dennis kay Ogie Diaz tungkol sa kanyang sama ng loob sa nangyari.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumuwelta si Marjorie at isa-isang in-address ang mga issues sa kanyang exclusive interview sa vlog ni Ogie.
Nilinaw ng dating aktres na walang nang-api kay Dennis sa kasal at ang nasabing event ay hindi tungkol sa kanila kundi sa kanilang anak na supposedly ay happiest day of her life na sinira mismo ng ama nito.
“This wedding was not about Dennis, the bride has the right to choose who will walk her down the aisle,” pahayag ni Marjorie.
Itinanggi rin niya ang hinaing ni Dennis sa panayam kay Ogie na hindi raw sinabi sa kanya beforehand na hindi siya part of the program.
Ayon kay Marjorie ay sinabi raw ni Claudia kay Dennis noong magkita ang mag-ama noong March 18 na siya lang daw mag-isa ang maglalakad sa altar at umokey naman daw ito.
Pinauupo raw si Dennis sa front row na siyang pinakaimportanteng seat sa kasalan pero mas ginusto raw nitong maupo sa pinakadulong row.
Inamin naman ni Marjorie na siyempre ay hindi sila puwedeng magtabi ni Dennis sa upuan bilang father and mother of the bride since matagal na rin silang estranged to each other, pero of course, tatay pa rin daw ito ng kanyang mga anak.
“Yes, I was seated at the front row where the mother and the father of the bride should be, and I will not say sorry for that. I raised my child single-handedly, Dennis. I was there with her. I deserved that seat in the front,” sey niya.
Sa interview ni Ogie kay Dennis ay parang kaawa-awa raw ito at malumanay na tinanong ang coordinator kung ano ang nangyari, pero hindi raw ito totoo.
“Galit siya, he was causing a commotion. Dennis, you were causing a commotion. Pagdating pa lang ni Claudia, hindi ko ‘to nakikita, all of these were told to me after the ceremony, before the reception.
“He was causing a commotion, he was pacing, walking and walking, ganu’n, complaining, tumataas ang boses mo, Dennis, they had to ask you to please lower your voice. And when you cannot be controlled, they told you ‘Can we take this outside? Can we take this discussion outside?’” kuwento ni Marjorie.
Saad pa niya, “Sino’ng mang-aapi sa kanya? We were all focused on the bride and the groom, listening to the homily of the priest. You know, sino ang nananakit sa ‘yo? Kung nale-left out ka, wala ka kasi sa buhay ng mga anak mo, eh. Mas gusto mo kasing magpa-interview, eh.”
Ipinunto rin ni Marjorie na si Dennis pa raw ang unang-unang nag-post ng kasal sa social media ranting na nabudol siya. Hiniling daw ni Claudia beforehand na huwag magpo-post ng detalye ng kasal since very private nga ito at walang nakakaalam talaga ng wedding.
Masyado raw ginawang drama ni Dennis ang kasal at naging makalat na ang kuwento gayung dapat ay ine-enjoy ni Claudia ang happiest moment na ito.
“Grabe, talagang you wanted to destroy that day for everybody. Kung naghinahon si Dennis sana, alamin n’ya muna ‘yung totoo, sana in-enjoy mo na lang, ninamnam mo na lang ‘yung kasal ng anak mo, ‘di ba? Set aside your anger for 2 days,” aniya.
Ayon pa kay Marjorie, atensiyon daw at hindi relasyon ang gusto ni Dennis sa mga anak.
Natanong naman ni Ogie kay Marjorie kung kumusta si Julia since nagkomento rin si Dennis sa post ng aktres ng words na “Kapal n’yo” na binura na rin naman ng aktor.
“How is Julia? Alam mo, Ogie, 10 years or more na ‘tong nangyayari. We know the drill – Father’s Day, birthdays, Christmases, he’ll always do something like that. Tuwing biglang may magte-text, ‘Nagpa-interview na naman ‘yung tatay n’yo, nagpa-interview.’
“Over the years, my children have become silent, it’s an eerie kind of silence, it’s a surrender kind of silence. ‘Yung parang ‘You did it again?’ ‘Yung parang disbelief na, eh,” ani Marjorie.
“So, itong wedding na ‘to, Leon is a little upset, he’s really upset. Julia is very quiet and I’m scared when they’re silent. Masyado nang malalim.
“Itong huling ginawa mo, Dennis, sobrang betrayal sa mga bata. Sobrang betrayal. Talagang ‘yung pagka-expose mo ng wedding ni Claudia, pagka-pangit ng ginawa mo, hindi mo na maibabalik.
“‘Yung ilang Father’s Day na ni-ruin mo, birthdays ng mga bata, lahat ng okasyon na ni-ruin mo for the children — next year, may Father’s Day uli, eh, next year, may birthday pa, there’s time — pero wedding, wala na, eh. No more. It’s once in a lifetime, and you made it about you, Dennis,” diin niya.
Sa nasabing panayam, for the first time ay tinalakay din ni Marjorie ang relasyon ni Dennis sa 3 nilang anak simula nang maghiwalay sila.
“Dennis and my other children have been estranged for many, many years. Bakit sila estranged? Du’n muna tayo mag-ugat. Because for the past 10 years, wala nang ginawa si Dennis kundi magpa-interview nang magpa-interview.
“Iiyak s’ya, magpapaawa s’ya and make it seem like he really misses the children and I
believe he does miss the children, but the point here is napapahiya ang mga bata, nasasaktan sila na pinag-uusapan sila sa publiko and he may make it seem like hindi niya sinisiraan pero naba-bash ang mga anak ko tuwing nagpapa-interview siya,” lahad ni Marjorie.
Paglilinaw pa niya, “Gusto ko lang klaruhin for 18 years na magkahiwalay kami, pinapalabas n’ya, ako ang nagpe-prevent na maging close s’ya sa mga anak ko. Na bine-brainwash ko ang mga anak ko laban kay Dennis, hindi totoo ‘yan, Ogie.”
Ginagawa raw ni Dennis ang paninira sa kanya sa tuwing hinihiram nito ang mga bata noong maliliit pa ang mga ito.
“God is my witness, ako ang sinisiraan n’ya sa mga anak ko. Dennis, ‘wag mo itong ide-deny ever because ang lagi mong sinasabi sa tuwing susunduin n’ya ang mga anak ko, ‘Paglaki n’yo, I will tell you what your mom did to me,’” aniya.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Dennis Padilla sa mga rebelasyon ni Marjorie Barretto at bukas ang aming kolum para sa kanyang panig.






Comments