top of page

Marital rape, kaya biglang dinala sa Senado… SEN. ROBIN, NADA-DIET NA SA SEX KAY MARIEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 17, 2024


Showbiz News
Photo: Circulations / FB

Marami ang nagtataka kung bakit biglang naungkat sa Senado ang tungkol sa marital rape na gustong ipaliwanag ni Sen. Robin Padilla. Applicable raw ba ang akusasyon na rape kung legal naman na mag-asawa ang sangkot? Puwede bang akusahan ng rape ang isang mister na gusto lang ng lambing at romansa sa kanyang misis? 


Ang naging tugon ni Atty. Lorna Kapunan ay kapag nagsabi ng “no” ang isang misis, hindi dapat na pilitin ng kanyang mister kung ayaw talaga at wala sa mood na makipaglambingan. At walang obligasyon ang misis na laging pagbigyan at maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng kanyang mister.


Dahil sa pag-emote na ito ni Sen. Robin, may mga netizens na napapaisip kung nada-diet na ba sa romansa ang actor-senator dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ni Mariel Rodriguez?


Mukhang hindi yata napagbibigyan ni Mariel ang madalas na paglalambing ng kanyang mister na si Sen. Robin Padilla.



Ibang hosts, mababawasan ng sked… BELA, PASOK SA IT’S SHOWTIME


Showbiz Photo
Photo: Bella Padilla / IG

Mukhang may balita na magkakaroon ng reshuffle sa mga hosts ng It’s Showtime (IS). Pero, walang binabanggit kung may matatanggal sa mga dating hosts. 


May mga bago raw na kukunin para maging bahagi ng show. Isa na rito si Bela Padilla, na nag-click sa show nang minsang mag-guest. Ilang beses pa siyang bumalik sa show at madali rin daw nakasundo ni Vice Ganda si Bela, maganda ang batuhan nila ng jokes.


Ayon sa isang insider ng IS, ang ilang hosts na mare-reshuffle ay posibleng 2 to 3 days na lang ang magiging exposure sa show. Marami ang nagtatanong kung sinu-sino sa mga dating hosts ang mababawasan ng sked. 


May ilan ding nagsasabing kailangan na raw magpasok ng mga bagong mukha sa show dahil medyo nagsasawa na ang mga viewers sa mga dating hosts. 


For sure, hindi naman sina Anne Curtis at Kim Chiu ang malalaglag dahil malakas ang hatak nila sa mga viewers. Si Ogie Alcasid naman ay in demand sa mga shows abroad, kaya’t minsan ay wala siya. 


Kailangan lang talaga na may papasok sa IS dahil hindi puwedeng iasa na lang lahat kay Vice Ganda.



Medyo nahihiya si Kyline Alcantara, pero flattered siya sa sinasabi ng mga netizens na may hawig siya kay Kathryn Bernardo sa aspetong pisikal. 


Madalas nga ay ikinukumpara si Kyline kay Kathryn, kaya malaki ang potential na maabot din ni Kyline ang status at kasikatan ni Kath. Napatunayan naman ni Kyline na magaling siyang umarte. At tulad ni Kathryn, marami siyang fans na handang sumuporta sa kanyang career. Hanggang sa naabot ni Kyline ang kanyang mga pangarap, hindi siya pinabayaan ng GMA-7 Network. Malalaki ang proyekto na ibinibigay sa kanya.


Kasalukuyan siyang kasama sa cast ng Shining Inheritance (SI) at muling masusubok ang galing ni Kyline sa offbeat role dahil gaganap siyang kontrabida sa serye. 


Para kay Kyline, mas challenging ang gumanap na kontrabida, kaya okey lang sa kanya na hindi lead role ang kanyang role sa SI. Kailangang galingan niya upang lumutang ang kanyang karakter at mapansin ng viewers.


Pakiusap ng mga fans ni Kyline Alcantara ay huwag naman sanang ma-typecast sa kontrabida role ang kanilang idolo. Kaya naman ni Kyline ang iba’t ibang klaseng roles, drama man o action, at puwede rin siya sa rom-com — basta’t ‘wag lang masyadong bad girl ang image niya.



Isang linggo nang back to work si Arnold Clavio (a.k.a. Igan) matapos ang leave niya sa GMA-7 dahil sa mild stroke. Nagre-report na si Igan sa morning show niyang Unang Hirit (UH) at sa kanyang daily radio show sa DZBB. 


Bagama’t siya ay sumasailalim sa regular therapy upang manumbalik ang dating kondisyon ng kanyang mga binti na apektado ng stroke, ipinayo rin ng doktor kay Igan na balikan ang paggo-golf dahil ito ang huli niyang ginawa bago siya na-stroke. 


May trauma pa siya mula sa dinanas na atake kaya hinay-hinay lang siya sa paggo-golf. 


Magiging abala si Igan ngayong Agosto dahil paghahandaan niya ang Tauranga Golf Tournament ng IGAN Cup. Ngunit ayon sa payo ng kanyang doktor, hindi siya dapat gaanong magpapagod at bawasan ang stress. Regular ding mino-monitor ang kanyang blood pressure, blood sugar, at cholesterol. 


Dobleng ingat na ngayon si Arnold Clavio sa kanyang kalusugan. Naging eye-opener sa kanya ang dinanas na stroke.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page