Marinong Pinoy na apektado ng Russian missile attack, magbabalik 'Pinas

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 12, 2023

Nakatakdang bumalik sa 'Pinas ang mga Pinoy na sakay ng barkong nasira ng Russian missile, ayon sa pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayon.
Pahayag ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, ang barkong natamaan ng missile ay puro Pilipinong tripulante.
Dagdag niya, maaaring kailanganing umuwi ng mga Pinoy sapagkat nasira ang barkong sinasakyan ng mga ito.
Aniya, hinahanda naman na ang pag-uwi nila sa bansa at agad silang nakipag-ugnayan sa manning agency ng mga ito.





Comments