top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Marinero, swak na sa semis ng D-League, CEU, Pinadapa

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 6, 2022



Pasok na sa semifinals ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup ang Marinerong Pilipino matapos padapain ang Centro Escolar University, 75-66, sa quarterfinals kahapon sa Araneta Coliseum.


Maghihintay pa mapuno ang isa pang upuan sa semis at nagwagi ang Builders Warehouse-UST sa paboritong Adalem Construction-St. Clare, 98-93, upang itakda ang winner-take-all sa Miyerkules.

Mula sa nag-iisang tabla ng laro, 4-4, bumanat ng 15 sunod-sunod na puntos ang Skippers para sa kanilang pinakamalaking lamang, 19-4. Nagawang tapyasan ng CEU ang agwat, 49-51, maaga sa 4th quarter subalit humugot ng lakas ang Marinero kay Juan Gomez de Liano, Adrian Clarence Nocum at Arvin Gamboa upang maakyat sa 10 ang lamang, 66-56.

Bumalik galing sa karamdaman si Gomez de Liano at itinala ang pito ng kanyang 17 puntos sa fourth quarter habang 17 puntos din si Jollo Go. Ipinasok ni Jhomel Ancheta ang 10 ng kanyang 12 puntos sa huling quarter ngunit nabitin ang paghabol ng CEU.

Sumakay ang Builders Warehouse sa mainit na shooting ni Kean Baclaan sa second half upang mabigo ang Saints. Lamang ang Adalem Construction sa halftime, 43-39, at mula roon ay bumuhos ng puntos ang Tigers at diktahin ang takbo ng laro.

Huling nagbanta ang Saints sa three-points ni Jolo Sumagaysay, 90-92, subalit ibinura ito agad ng shoot ni Nic Cabanero na sinundan ng tres ni Baclaan para sa mas komportableng 97-90 lamang sa last two minutes. Humaba sa apat na sunod-sunod na ang tagumpay ng Builders buhat noong elimination round kung saan ang huling talo nila ay sa kamay ng Saints, 86-87, noong Hulyo 21.

Bumomba si Baclaan ng 24 ng kanyang 25 puntos sa second half. Sinuportahan siya ni Cabanero na may 25 puntos at Sherwin Concepcion na double-double na 18 puntos at 13 rebound.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page