top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Marinero, magpapatibay sa qf, Apex at Wangs, magkakasubukan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 1, 2022




Dalawang napakahalagang laro na tutukoy sa mga papasok sa quarterfinals ang gaganapin ngayong Lunes sa pagpapatuloy ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena. Sisikapin ng Marinerong Pilipino na sementuhin ang kanilang pwesto sa quarterfinals laban sa Centro Escolar University sa 1:00 ng hapon at susundan agad ng tapatan ng numero unong Apex Fuel-San Sebastian kontra sa Wangs Basketball-Letran sa 3:00 ng hapon.


Galing sa 81-75 na panalo ang CEU sa Wangs noong Huwebes at kung mananalo sa Skippers ay magtatapos sila sa parehong 4-3 panalo-talo. Malaki ang papel na gagampanan nina Franz Diaz, Jerome Santos at Lenard Santiago upang mahanap ang kanilang ika-apat na panalo.


Sa panig ng Skippers, kailangan nila bumangon mula sa 80-88 talo nila sa Builders Warehouse-UST noong Huwebes din na lalong nagpahigpit ng standings. Inaasahan na babalik ang kanilang numero unong shooter Jollo Go matapos maglaro ng dalawang beses para sa Blackwater Bossing sa PBA Philippine Cup at samahan si Juan Gomez de Liano sa paghatid ng puntos.


Kailangan gumising ang Wangs sa kanilang dalawang sunod-sunod na panalo matapos bumalik mula sa kanilang 10 araw na bakasyon sa Singapore at Malaysia. Magandang senyales para sa Knights ay may anim na manlalaro na gumagawa ng 10 o higit pang puntos bawat laro na sina Kurt Reyson, Brent Paraiso, King Caralipio, Mark Louie Sangalang, Kobe Monje at Paolo Javillonar sa gitna ng pagkawala ni Rhenz Abando na pumirma ng kontrata sa Korean Basketball League.


Bumigay ang Wangs sa EcoOil-DLSU, 94-87, at CEU, 81-75. Dahil dito, lalong importante na manalo sila at maiwasang bumaba lalo sa standings kung saan anim sa walong koponan lang ang maiiwan matapos ang elimination round.

Mga laro ngayong Lunes – Ynares Sports Arena 1:00 PM Marinero vs. CEU 3:00 PM Apex Fuel-SSC vs. Wangs-Letran


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page