top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Marian Rivera, nagsalita na sa hiwalayan ng KathNiel

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2023
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 28, 2023




Isa ang love team nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ilan sa mga naging maugong at successful ang career sa industriya kaya naman hindi maiiwasang mahingan sila ng kanilang opinyon sa nangyaring hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Sa isang panayam ni Korina Sanchez sa DongYan na mapapanood sa Youtube channel ng Pinay broadcaster, naitanong sa mag-asawa kung talaga bang hindi maiiwasang magkatuluyan ang mga nasa love team.


Agad naman itong sinagot ng Primetime Queen. Sey niya, nadadala raw talaga madalas dahil sila lagi ang magkasama at ang mga karakter nilang ginagampanan bilang love team.


Hindi rin naiwasang maitanong ni Korina ang komento ng dalawa sa naging hiwalayan nina Kathryn at Daniel na gumawa nga ng ingay kamakailan.


Sey ni Marian, "Well, siguro, hindi ina-analyze kasi kaibigan ko si Kath, eh. So, minsan kasi ang hirap i-compare o mag-judge tayo agad-agad."


Dagdag nga ng aktres, mas maganda at ang perfect timing nga raw siguro ay ang parehas na mature ang dalawang nasa relasyon at love team.


Ibinahagi rin ni Korina na apektado siya sa nasabing hiwalayan dahil malapit siya sa dalawa nu'ng kampanya at fan siya ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page