MARIAN, LAMANG KAY HEART SA PAGRAMPA SA GMA-7 GALA
- BULGAR
- Jul 24, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 24, 2023

Among the Kapuso royalties, kariran sa fashion sina Marian Rivera at Heart Evangelista.
Kung reyna sa pagiging simple si Marian, napaka-expensive naman ng aura ni Heart.
Lumamang nga lang si Marian dahil mas mukhang legit na ‘king’ ang kanyang escort na si Papa Dingdong Dantes na comfy ang galawan sa red carpet unlike Sen. Chiz Escudero na halatang naiilang kumilos.
Pinagkaguluhan din ang newly-engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na pinakilig ang marami sa sweetness nila.
Kilig din ang bitbit nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, Mikee Quintos-Paul Salas at ilan pang Gen Z love teams.
Pinasaya ng BarDa (Barbie Forteza-David Licauco) ang kanilang mga fans, pero marami rin ang nag-expect na mas irarampa ni Barbie ang real-life boyfriend nitong si Jak Roberto.
Marami rin ang nakapansing puwedeng maging magkapatid sina Joshua Garcia at Alden Richards dahil sa kakisigan nilang halos magkawangis.
Uy, ano nga ba'ng meron kina Cassy Legaspi at Darren Espanto na sobrang nilalanggam that night?








Comments