top of page
Aiko Melendez at Kim Chiu - IG.jpg

Marcoleta, ikukulong sa plunder, no bail... INC, sumugod sa EDSA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | Julye 1, 2026



Marcoleta at INC rally - Senate PH - MMDA

Photo: Senate PH / MMDA



Nagsagawa ng biglaang kilos-protesta ang Iglesia Ni Cristo (INC) bilang suporta kay Senator Rodante Marcoleta, na nakatakdang sampahan ng kasong plunder na walang piyansa sa Sandiganbayan ngayong linggo.


Tinatayang nasa 10,000 katao ang dumalo sa protesta sa kahabaan ng White Plains Avenue at sa paligid ng EDSA People Power Monument upang manawagan ng transparency, pananagutan at katarungan.


Dahil sa malaking bilang ng mga dumalo, nakaranas ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.


Ayon sa mga nagpoprotesta, nais nilang ipakita ang kanilang pagkakaisa at suporta sa senador habang isinasagawa ang mga legal na proseso nito.


“Hindi tutol ang Iglesia Ni Cristo sa pagpapatupad ng batas, pero tutol kami sa pagbaluktot sa batas, lalo na kung ang layunin ay para pagtakpan ang katiwalian,” pahayag naman ni INC spokesperson Edwin Zabala.


“Ang ipinagtataka namin ay kung bakit siya na nagsusulong sa pag-expose ng mga sangkot sa napakalaking pagnanakaw sa Pilipinas ang kakasuhan at ipakukulong sa halip na ang mga na-expose,” punto ni Zabala.


Idinagdag niya na nauna nang nagpasya ang Commission on Elections na walang nagawang paglabag kaugnay ng naturang mga donasyon.


“Nananawagan kami para sa transparency, accountability, justice, and peace. Kaya nais naming iparinig sa mga kinauukulan na kahit ipakulong nila si Sen. Marcoleta, ay hindi kami titigil sa paghingi ng katarungan para sa mga kababayan natin na ninakawan. Gusto naming ipaalam sa kanila na isang injustice ang selective justice,” pagtatapos ni Zabala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page