Marcoleta, Defensor naghain ng not guilty plea
- BULGAR

- 13 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 23, 2026

Photo: Ciorculated
“Not guilty” ang sagot nina Senador Rodante Marcoleta at dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor nang iharap sila sa Sandiganbayan Miyerkules ng umaga, kaugnay ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng anumang uri ng regalo.
Ang nasabing arraignment ay ang pormal na pagsisimula ng paglilitis sa isang kasong kriminal, kung saan binabasa sa akusado ang mga sakdal bago sila magpasok ng kanilang plea kung guilty o not guilty.
Tatlong bilang ng paglabag sa PD No. 46 ang isinampa ng mga state prosecutor laban kay Marcoleta.
Ang dalawa pa niyang kasong paglabag sa PD No. 46 ay dinidinig naman ng First Division at Third Division ng Sandiganbayan.
Sa kasong nasa First Division, kapwa akusado ni Marcoleta si Aristotle Viray, habang si Joseph Espiritu naman ang kanyang kasamang akusado sa kasong nasa Third Division.
Nauna nang naghain ng not guilty na plea sina Marcoleta at Espiritu sa hiwalay na kasong paglabag din sa PD No. 46.
Bukod dito, nahaharap din si Marcoleta sa kasong plunder na walang piyansa sa Sandiganbayan Third Division, kasama sina Espiritu at Viray.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano'y P75 milyong campaign donation na tinanggap ni Marcoleta noong siya ay nakaupong partylist congressman.
Ayon sa state prosecutors, hindi umano ito idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at sa kanyang campaign finance disclosures.
Sa kabuuang P75 milyong donasyon, P30 milyon ang umano'y nagmula kay Defensor, P25 milyon kay Espiritu, at P20 milyon kay Viray.





Comments