Marcoleta, bawal lumabas ng bansa
- BULGAR

- 12 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 27, 2026

Photo: Rodante Marcoleta - Senate PH
Naglabas na ang Seventh Division ng Sandiganbayan ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO) laban kina Sen. Rodante Marcoleta, dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, at dalawa pang negosyante na sina Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray, na nagbabawal sa kanila na makalabas ng bansa.
Pinagbigyan ng anti-graft court ang kahilingan ng Office of the Ombudsman na maglabas ng PHDO habang isinasagawa ang paunang imbestigasyon sa reklamong plunder kaugnay ng umano’y P75 milyong campaign donation.
Ayon sa mga prosecutor ng Ombudsman, inamin umano ni Marcoleta sa ilang panayam na tumanggap siya ng P75 milyong campaign donation, ngunit hindi ito naitala sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at maging sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa kanyang kandidatura sa Senado noong 2025.





Comments