top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Marcial, sinindak si Pichardo; Ancajas, nabigo kay Pumita

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 10, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 10, 2022



Nakaligtas si 2020+1 Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa tinamong malalim na sugat sa kanang mata upang talunin ang mas matangkad na katunggaling si American Steven Pichardo sa bisa ng unanimous decision, habang nabigong mabawi ni dating World champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas ang IBF super-flyweight title kat Fernando “Pumita” Martinez ng Argentina, Linggo ng umaga (oras sa Pinas) sa Dignity Health Sports Park Carson, California sa U.S.


Nalampasan ng 26-anyos na 4-time Southeast Asian Games gold medalist ang masamang sugat sa mata matapos ang accidental head butt sa second round ng kanilang itinakdang six-round middleweight bout sa undercard match.


Kahit pa man duguan na nagpahirap para rito na makalaban ng maayos, nagawa pa ring maitawid at mapaboran ng mga huradong sina James Green, Ivan Guillermo, at Ellis Johnson na pare-parehong pumuntos ng 60-54 pabor kay Marcial. Sinipat ng mabuti ni referee Gerard White ang tama sa mata ni Marcial bago ito muling payagang makapagpatuloy sa laban.


Matatandaang naagaw ni Martinez ang titulo ni Ancajas para sa kanyang ika-10 title defense nitong Pebrero, subalit naging malaking problema kay Ancajas ang pagkuha ng timbang at kondisyon nito. Subalit mas pinatunayan ni Martinez na hindi tsamba ang kanyang pagkapanalo ng patuloy na dinomina nito ang laban. “This was about validating the first fight. I trained very hard for this fight,” pahayag ng 31-anyos na Argentinian, na mas tumibay ang marka sa 15-0, kasama ang 8 KOs. “I have a lot of people to thank, and this is for my dad up in heaven.”


Nalasap naman ni Ancajas ang kanyang kauna-unahang magkasunod na pagkatalo para bumagsak ang kartada sa 33-3-2 at 22KOs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page