top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Marapat na makatanggap ng overtime pay

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2023
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 01, 2023



Dear Chief Acosta,


Hindi inaasahan na nagkasunud-sunod ang aking undertime dahil walang magbabantay at mag-aalaga sa aking anak. Matapos ang dalawang linggo, naging maayos naman ang sitwasyon sa bahay, kaya hindi ko na kinailangan muling mag-undertime.


Kamakailan ay ilang beses akong pinag-render ng amo ko ng overtime work, ngunit inabisuhan niya ako na wala akong matatanggap na overtime pay, sapagkat ang nasabing overtime work ay para makabawi diumano sa mga araw na nag-undertime ako. Tama ba ito? –Jobilee


Dear Jobilee,


Para sa iyong kaalaman, malinaw na nakasaad sa Labor Code of the Philippines, as amended, na ang empleyadong nagtrabaho ng lagpas walong oras kada araw ay marapat na makatanggap ng karagdagang bayad o overtime pay:


“Art. 87. Overtime work. Work may be performed beyond eight (8) hours a day provided that the employee is paid for the overtime work, an additional compensation equivalent to his regular wage plus at least twenty-five percent (25%) thereof. Work performed beyond eight hours on a holiday or rest day shall be paid an additional compensation equivalent to the rate of the first eight hours on a holiday or rest day plus at least thirty percent (30%) thereof.”


Kaugnay nito, tahasan ding nakasaad sa nasabing batas na ang undertime na trabaho sa anumang partikular na araw ay hindi dapat itumbas sa overtime na trabaho sa ibang araw:


“Art. 88. Undertime not offset by overtime. Undertime work on any particular day shall not be offset by overtime work on any other day. Permission given to the employee to go on leave on some other day of the week shall not exempt the employer from paying the additional compensation required in this Chapter.”


Kaya, hindi wasto ang pangangatwiran ng iyong amo na ang overtime work mo ay pambawi sa mga araw na nag-undertime ka. Samakatuwid, ikaw ay may karapatang makatanggap ng karagdagang bayad para sa iyong overtime work.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


1 Comment


Jane
Jane
Apr 01, 2023

Good day po atty.Acosta magtatanong lang po ako may lupa po ang grandparent ng mother ko na 126sq.meter at nahati na po sa 3 taga pagmana,nagpasukat po kami ng lupa namin dahil 1 ang mother ko sa ngmana bale 42sq.meter po at pinasukatan uli namin eto natuklasan namin na may makukuha pa kmi konti lupa dun sa 1 tagapagmana ang tanong ko po pede na po ba namin kunin iyon may titulo at nasurvey na po,kasi ang dami po dahilan parang ayaw nila ibigay ang dami po demand,at sakali po pede po ba kami mglagay na ng firewall alala po namin bka gawing dingding nla un firewall,bawal po ba iyon?salamat po

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page