top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maraming suplay ng bakuna, ‘di dapat masayang sa bagong admin

BULGAR
Jun 20, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 20, 2022


Sapat ang suplay ng COVID-19 vaccine hanggang sa susunod na administrasyon at maging hanggang sa katapusan ng 2022.


Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) kung saan sa 244 milyong doses na nasa imbentaryo ng pamahalaan, nasa 155 milyon pa lamang ang naipamamahagi sa taumbayan.


Sa kasalukuyan, nasa 90% o katumbas ng 70 milyon ng target na 77 milyong indibiwal ang nabakunahan kontra COVID-19.


Sa kabila nito, patuloy na mababa ang bilang ng nababakunahan ng booster shot, na nasa 20% pa lamang ng eligible 56 milyon ang nagpapabakuna.


Samantala, noong Hunyo 13, nasa 9.5 milyong adolescents na may edad 12 hanggang 17 at 3.1 milyong edad 5 hanggang 11 ang fully vaccinated.


Magandang balita na may sapat na doses ng COVID-19 vaccines. Nangangahulugan ito na kakayaning ipagpatuloy ng papasok na administrasyon ang national vaccination program.


Malaking hakbang ito upang hindi tumaas ang COVID-19 admissions, lalo pa’t matatandaang ayon sa DOH, bumababa ang immunity, kasabay ng pagtaas ng hawahan sa mga nakalipas na araw.


‘Yun nga lang, bukod sa pagbabakuna, kailangan ding ihanda ang mga target na mabakunahan.


Kaya panawagan sa bagong administrasyon, kasabay ng pagpapatuloy ng vaccination program, kailangang matutukan din ang pagbibigay-kaalaman tungkol sa bakuna.


Ipaunawa natin sa publiko ang kahalagahan nito para mawala ang takot.


Kung mawawala ang takot ng taumbayan, magiging matagumpay ang bakunahan. At ‘yan ang simula ng mas ligtas na “new normal”.


Kaya hangga’t may sapat tayong doses ng bakuna, hangad nating makarating ito sa mga dapat mabakunahan. Gayundin, sana’y walang masayang at mapakinabangan ang mga ito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page