top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Maraming pasensya, baunin kasabay ng tigil-pasada

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2023
1 min read

@Editorial | March 6, 2023



Ngayong araw ang inaasahang simula ng tigil-pasada na pagtutol sa public utility vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.


Kaugnay nito, nagtaas ng alerto ang Pambansang Pulisya kung saan, nagkaroon ng adjustment sa duty ang mga pulis.


Napag-alaman na 80% ng kanilang pwersa ang magbibigay ng seguridad at tulong sa mga komyuter na maaapektuhan ng transport strike.


Inaasahan din na bukod sa naka-heightened alert status ang kapulisan, may mga sasakyan din para magbigay ng libreng sakay.


Kasabay nito, ang paalala sa mga komyuter, magbaon ng maraming pasensya, maging mapagmatyag at iwasan na lamang lumabas ng bahay kung wala namang importanteng lakad.


Mahaba-haba pa ang talakayan sa jeepney phaseout, bagama’t na-extend ang deadline ng implementasyon ng nasabing programa, nar’yan pa rin ang usapin na dapat tutukan ng gobyerno.


Sana ay matapos ang isyu nang mabilis at maayos. Napakahalaga ng transportasyon, hindi puwedeng laging may tunggalian dahil maapektuhan ang kabuuan ng ating ekonomiya.


Kailangang pag-isipan at pag-usapang maigi lahat ng may kaugnayan sa phaseout ng mga tradisyunal na jeep.


Isaalang-alang nawa ang lahat, mula sa mga drayber, operator, komyuter hanggang sa ikabubuti ng bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page