top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Maraming mas may 'K'.. Talunang kandidato, out sa gabinete

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2023
1 min read

ni Madel Moratillo | May 13, 2023




Hindi umano dapat italaga sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga kandidatong natalo noong 2022 elections.


Ito ang iginiit ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez matapos mapaso ang 1 year ban appointment para sa mga kumandidato sa katatapos na halalan.


Paliwanag ni Rodriguez, wala namang problema sa mga natalong kandidato. Gayunman, ang gabinete at iba pang posisyon sa gobyerno ay hindi umano dapat na maging bagsakan ng mga natalo sa eleksyon.


Marami naman aniyang “deserving” at mas “competent” na kayang gawin ang trabaho.


Naniniwala ang mambabatas na kailangan nang magtalaga ang Pangulo ng mga mauupo gaya na lang sa Department of Agriculture lalo at maraming trabaho na dapat harapin si PBBM.


Sa ngayon kasi ay ang Pangulo rin ang nakaupo sa DA bilang kalihim.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page