top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mapayapang Semana Santa para sa lahat

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2023
1 min read

@Editorial | April 5, 2023



Sa kabila ng mas maluwag na panuntunan sa gitna pa rin ng pandemya, hangad natin ang mapayapa at ligtas na Semanta Santa.


Sa ngayon, ayon sa Philippine National Police (PNP), wala pa namang naitatalang untoward incident sa panahon ng Semana Santa.


Mula noong nakaraang linggo na monitoring, maayos naman ang mga lugar na binabantayan ng kanilang hanay, kung saan, nasa 78,000 pulis ang ipinakalat ng PNP.


Partikular na binabantayan ang matataong lugar gaya ng mga simbahan, bus terminal, pantalan, airport at iba pa. Sa ngayon, naka-heightened alert status ang buong puwersa ng PNP.


Umaasa tayo na magtutuluy-tuloy ito at maitatawid ang Holy Week nang maayos. Para mangyari ito, kailangang magtulungan ang lahat. Huwag lang iasa sa mga awtoridad ang pagbabantay.


Isaisip at isapuso natin ang tunay na layunin ng Semana Santa. Hindi masama na magpahinga o gamitin ang pagkakataon na magsaya kasama ang mga mahal sa buhay, basta’t hindi nakakalimot sa responsibilidad at higit sa lahat, ‘di nakapagdudulot ng perhuwisyo sa kapwa.


Bigyan ng pagkakataon ang sarili na makapagnilay-nilay para pagbalik sa trabaho, malakas at may purpose ulit ang buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page