Mapaligaya lang daw ang madir… KC, IPAGPAPAGAWA SI SHARON NG BAHAY SA BEACH RESORT

ni Nitz Miralles - @Bida | January 12, 2021

Nabanggit dati ni Sharon Cuneta na gusto niyang gayahin ang mga pose ni KC Concepcion sa Instagram at mukhang tinotoo niya ito dahil sa last Instagram post niya na nasa dagat siya, in her swimsuit, pareho sila ng pose ng kanyang anak. Pero sabi ni Sharon, nagkataon lang na nagkapareha sila ni KC.
May pangako pala si KC kay Sharon kung saan aniya, “Mom’s got great taste in homes and interiors. I dream of building her a ‘never neverland’ on the beach for her own enjoyment, maybe someday... Villa 20.”
Nabasa siguro ni KC ang pagsisisi ni Sharon na hindi itinuloy ang pagbili ng villa sa resort sa Amanpulo nang una silang nakapunta roon. Ngayon yata, wala nang available na villa sa nasabing resort at nagre-rent sila tuwing nagbabakasyon. Ang dami pa namang entourage nina Sharon kapag nagbabakasyon.





Comments