Mansiyon, inilantad… GRETCHEN, 'DI NAGPAHULI, LUME-LEVEL SA MGA TAGA-ALTA-SOSYEDAD

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 22, 2020

Donyang-donya na nga si Gretchen Barretto ngayon at marami ang nakakaalam kung anu-ano ang mga assets at properties niya.
Kahit hindi niya ilantad sa social media ang kanyang mga milyones na alahas at mamahaling Hermes bags, nakikita naman ito kapag dumadalo siya sa mga big events at sosyalan ng mga rich and famous.
Ipinasilip na rin ni Greta ang kanyang mansion sa Forbes Park. May pa-house tour kasi siya sa kanyang vlog at dito ay inimbita niya ang kanyang mga sosyaling amigas at ilang malalapit na kaibigan sa showbiz.
Hindi lang ang kanyang Forbes Park mansion ang sukatan ng yaman ni La Greta. Madalas din na napapansin ang nagkikislapan niyang alahas kapag dumadalo sa mga events at parties. Kinaiinggitan din ng marami ang collection niya ng Hermes Birkin bags na iba't iba ang kulay na terno sa kanyang mga damit.
Kaya naman sa sirkulo ng mayayaman sa alta-sosyedad ay hindi siya dehado at napag-iiwanan. Bukod sa isa siyang celebrity, maganda at mga kilalang tao sa lipunan din ang kanyang circle of friends.
Classy na classy na rin ang porma ni Gretchen Barretto ngayon!





Comments