top of page
Search
  • BULGAR

Manok ni P-Du30 bilang senador... PAG-ALIS NI WILLIE SA SHOW, 'DI MA-TAKE NG FANS

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 12, 2021



Marami sa mga Wowowin/Tutok to Win fans ang nalulungkot sa tila pamamaalam ni Willie Revillame sa kanyang programa ilang araw na ang nakararaan.


Ang pahayag ng TV host ay may malaki siyang desisyon na gagawin at kailangang pag-isipan niya itong mabuti.


Marami ang nag-iisip na baka ang malaking desisyon na sinasabi ni Willie ay ang nababalitang papasukin na diumano ng TV host ang pulitika sa darating na eleksiyon matapos magpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang tumakbo si Willie sa Senado sa 2022 national elections.


Sa kabila ng hiling ni Willie na kahit mawala siya ay may iba sanang host ang magpatuloy ng Wowowin/Tutok to Win, marami pa rin sa mga masusugid na tagahanga ng game show ang naniniwala na bukod sa iba pa rin ang karisma niya ay para lang talaga kay Kuya Wil ang show at ‘di ito babagay sa iba.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page