Manok ng pangulo, urong-sulong sa 2022… WILLIE, PINAGHIHINTAY SI P-DU30
- BULGAR
- Jun 15, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | June 14, 2021

Hindi lang si President Rodrigo Duterte ang naghihintay sa sagot ni Willie Revillame sa pangungumbinse ng presidente na tumakbong senador ang TV host sa 2022 national elections.
Nakaabang din sa magiging desisyon ni Willie ang kanyang mga supporters at sumusubaybay sa Wowowin: Tutok to Win.
Sa isang video message ni Pres. Duterte kay Willie, inulit nito ang wish na i-consider ng TV host ang pulitika sa kanyang mga plano ngayon.
“Willie, si Mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” sabi ng pangulo.
Nalaman ni Pres. Duterte kay Sen. Bong Go na nagdadalawang-isip si Willie na pasukin ang pulitika. Ang katwiran ng TV host, kahit wala siya sa pulitika, nakatutulong pa rin siya sa mga tao na nangangailangan ng kanyang tulong via his TV show Wowowin: Tutok to Win.
“Pero ganunpaman, open ang slot until the last minute. Kung ayaw mo na talaga, eh, di puwede na tayo mag-usap ulit.”
May nabanggit pa ang pangulo na “Bilib ako sa appeal mo sa masa.”
As of now, wala pang sagot si Willie kay Pres. Duterte dahil mas gusto pa rin nitong host siya ng sariling show at ngayon nga, papasukin na rin ang pagpoprodyus ng sitcom na tampok sina John Lloyd Cruz at Andrea Torres. Inihahanda na ang sitcom at sa October na ang filing ng mga kakandidato sa darating na elections.
Tatanggapin kaya ni Willie ang offer ni Pres. Duterte o mananatili sa telebisyon at sa kanyang free time ay lalaruin na lang ang bagong apo sa anak na si Meryll Soriano?








Comments