top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Manila After Dark Tour race series sa kababaihan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30
  • 1 min read

by MC @Sports News | March 30, 2026



Manila After Dark

Photo: Eksklusibo sa kababaihan ang After Dark Tour na isang global race series na gaganapin sa isang gabing serye bago lumubog ang araw na kauna-unahan sa Manila. (adtfbpix)



Kababaihan muli ang bibida sa After Dark Tour -isang global race series na dinisenyo para mga mananakbong babae, matutukan sa kanilang sport, kultura at kinabibilangang komunidad na pag-iisahin ganapin sa isang gabing serye bago lumubog ang araw. 


Sa unang pagkakataon, idaraos ito sa Manila bukod sa 7 siyudad na kabilang sa global tour, tulad ng London, Los Angeles, Mexico City, Mumbai, Shanghai at Sydney. Tampok sa  Manila leg ang 10K race, imbitado ang kababaihang mananakbo sa anumang estado at abilidad na subukin ang sarili.


Nagbalik ang Nike After Dark Tour ngayong 2026 para sa bagong ipakikitang karanasan ng mga runners sa pitong pangunahing siyudad sa mundo, kung saan sa Shanghai ay may 10km, Sydney ay half marathon, Mexico City ay half marathon, London ay 10km, Los Angeles half marathon, Manila 10km at sa Mumbai ay 10km. 


Inilaan para sa kababaihan, ang running tour ay may distansiyang 10km at half marathon o 21km na pagpipilian para masubukan ang kakayahan, potensiyal at lakas sa naturang distansiya.


Umakit ang mga naturang distansiya ng mahigit 50,000 kababaihan sa kabuuang 7 karera sa limang kontinente. Isa sa tatlong kalahok ay pawang first-time racers at halos kalahati ay nagparehistro lamang para maranasan ang women races. 


Sa naturan ding tour ay ipakikita ang mga pinakabagong running, training at sportswear innovations ng naturang brand na dinisenyo upang matulungan ang mga kababaihan sa ayos ng kanilang porma, maging komportable at mailabas ang galing sa pagtakbo.   


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page