Manhid na raw kahit sabihang bading… MARTIN, PALABAN, HUBAD KUNG HUBAD
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | July 31, 2026

Photo: IG _martinmiguelmdelrosario
“Magre-reply ako,” ito ang nakakagulat ngunit nakakatawang sagot ni Kapuso actress Heart Evangelista nang tanungin kung ano ang gagawin niya sakaling bigla siyang i-chat ng kanyang first love ngayong muli itong single.
Napag-usapan ang tungkol sa mga ex sa pinakabagong episode ng The People Have Spoken (TPHS), kung saan magkasamang hosts sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Sa umpisa ng usapan, si Heart ang nagtanong kay Sean.
Aniya, “Paano ba ‘to? Bigla raw nagparamdam ang first love mo ngayong single ka na ulit. Ano’ng gagawin mo? Re-reply-an mo ba ‘yan o makikita ko na lang sa TikTok?”
Napatawa naman si Sean sa tanong at pabirong sumagot, “Hoy, grabe! Ba’t bigla akong na-hot seat? Pero ako, isi-seen zone ko na lang siguro. Pero ito, ikaw ang gusto kong malaman. Kung kinumusta ka bigla ng first love mo, what would you do?”
Walang pag-aalinlangang sumagot si Heart, “Magre-reply. Hahaha!”
In fairness, muli na namang napangiti si Heart nang mapag-usapan ang kanyang ex.
Well, ano kaya ang magiging reaksiyon ng mister niyang si Chiz Escudero sa pahayag na ito?
Pakihulaan nga, madlang people!
Ibinida ng aktres-beauty queen na si Megan Young sa kanyang Instagram (IG) ang ilang larawan na nagpapakita ng kanyang fitness journey.
Ayon kay Megan, “It’s been quite the journey! Sobrang hirap dahil ‘di ako kumuha ng shortcuts at kinailangan kong maging disiplinado sa aking workouts at food intake. But we’re not stopping here — road to building muscle, here we go!”
Matatandaang nanganak si Megan noong Mayo 20, 2025 sa kanilang unang anak ng kanyang asawang si Mikael Daez. Isang baby boy na pinangalanan nilang Leon.
ANG ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na si Angelica Yulo ay nagbahagi ng mga larawan sa kanyang social media post kasama ang kanyang mga magulang at asawa niyang si Mark Andrew Yulo.
Ibinahagi niya ang kanilang first domestic travel bilang pamilya pero hindi kasama ang kanilang mga anak kundi ang mga magulang nila.
Ikinuwento rin niya ang saya ng kanyang ama na unang beses na nakasakay ng eroplano.
Ayon sa kanyang post, “First domestic travel together.”
Dagdag pa niya, “Giving them the world because they gave me mine. Lord, ipanalo Mo ako not for myself but for the people who I love the most.”
Ibinahagi rin niya ang excitement ng kanyang ama, “‘Yung tatay mo na first time sumakay ng eroplano, sobrang excited s’ya.”
Enjoy your vacation, Angelica and Mark Yulo!





Comments