top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Baha at lepto, huwag nang hayaang maulit ulit

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | September 17, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi na bago ang baha. Taun-taon din ang leptospirosis. Kaya nakapagtataka kung bakit parang taun-taon ding nangangapa ang ilang local government unit (LGU) sa pagharap dito. 


Hindi sapat ang maglabas ng warning kapag baha na at saka lamang kikilos kapag dumarami na ang nagkakasakit. 


Alam na natin ang panganib. Ang kulang ay mas agresibo at tuloy-tuloy na aksyon bago pa mapuno ng pasyente ang mga ospital.


Hindi nadadaan sa poster, advisory at paminsang paglilinis ang leptospirosis. Kailangang sugpuin ang mga kondisyong nagpapalala sa panganib—tambak na basura, daga, maruming estero, baradong kanal at baha na matagal bago humupa. 


Dapat nasa mga komunidad ang mga health worker, mabilis ang konsultasyon sa mga health center at malinaw sa mga residente kung saan agad lalapit matapos malusong sa kontaminadong tubig.


Madaling sabihing huwag lumusong sa baha. Pero paano ang manggagawang kailangang pumasok? Ang estudyanteng kailangang umuwi? Ang pamilyang mismong bahay ang nilubog ng tubig? 


Kaya sa halip na magbilangan ng advisories, magbilangan tayo ng nalinis na kanal, nasuyod na estero, komunidad na naabot ng health teams at pasyenteng naagapan. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page