top of page

Manggagawa, tuloy sa hirit na P150 taas-sahod

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 17, 2024



Editorial


Ngayong araw ang inaasahang simula para sa P35 na dagdag-sahod sa mga kumikita ng minimum wage sa National Capital Region (NCR).


Gayunman, ilang araw bago naman ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, humirit ang National Wage Coalition na ipasa na ang panukalang P150 across-the-board na pagtaas sa sahod. Giit ng grupo, hindi sapat ang P35 na dagdag-sahod.


Pinatunayan lang daw nito na wala talagang silbi ang mga regional wage board. 

Ang mga wage board ang nagtatakda ng umento sa sahod batay sa konsultasyon sa mga employer at manggagawa at sa socioeconomic na kalagayan sa mga rehiyon.


Samantala, kabilang naman sa mga argumento laban sa pagtaas ng sahod ay ang hindi umano kakayanin ng mga maliliit na kumpanya na magbayad ng mas mataas sa kanilang manggagawa. Sinasabi rin ng ilang ekonomista na ang dagdag-sahod ay magpapabilis lang ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin. 


Sa kabilang banda, may panukala nang pagtaas ng sahod na naipasa sa Senado ngunit nakabinbin pa sa House of Representatives.


Maaaring sa iba, ang P35 taas-sahod ay insulto, sa iba ay tulong na rin kesa wala habang meron namang dagdag-pahirap. Ang dulo, sana’y walang madehado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page