top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mananamantala sa presyo ng bilihin, tuluyan!

BULGAR
Nov 4, 2022
1 min read

@Editorial | November 4, 2022


Tiniyak ng gobyerno na babantayan ang presyo ng mga bilihin, partikular sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Paeng.


Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), mino-monitor ang presyo ng mga basic goods at necessities sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity dahil sa impact ng Bagyong Paeng.


Ito ay para matiyak na naipatutupad ang price freeze at walang pagtaas sa mga presyo ng nasabing mga bilihin.


Dapat talagang masiguro na walang mananamantala sa mga mamimili sa mga grocery stores at iba pang pamilihan. Kung sakaling may pasaway, dapat tuluyan at ilantad para hindi na tularan.


Sa panahon na may mga mas hirap pa, huwag naman sanang abisuhin at ilubog pa. Sa halip na abusuhin, dapat silang tulungan.


Alalahanin natin, ang sitwasyon ng isang lugar ay representasyon ng buong bayan. Tulungan ang kailangan at hindi iwanan.


Tayo ay nahaharap sa maraming pagsubok. Dapat nating isipin kung paano makakabangon sa legal na paraan at hindi sa pamamagitan ng pang-aabuso.


Mahiya tayo sa ating mga kababayan na buwis-buhay para maitawid ang isang araw. Tingnan natin silang inspirasyon para mas magtrabaho nang marangal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page