Mananahi, sinaksak sa dibdib ng katrabaho, dedo
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | August 18, 2026

Patay ang isang 42-anyos na mananahi matapos umanong saksakin ng kainuman nito kasunod ng pagtatalo sa Barcelona Subd., Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima sa alyas Rob, 42, may asawa at residente ng Brgy. San Roque, Dasmariñas City. Nakatakas naman ang suspek na si alyas Mel, 34, binata, isa ring mananahi at residente ng Sta. Cristina II, Dasmariñas City.
Batay sa imbestigasyon ng Imus MPS, nag-iinuman ang biktima, suspek at isa nilang katrabaho alas-8:15 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa.
Sa gitna ng away, sinaksak umano ni “Mel” si “Rob” sa dibdib gamit ang jungle knife. Isinugod ang biktima sa Medical Center Imus ngunit idineklarang patay alas-9:35 ng gabi.
Narekober naman sa lugar ang umano'y ginamit na patalim. Patuloy ang follow-up operation ng pulisya para maaresto ang suspek.





Comments