top of page

Manager ng aktor, nalaglag… MAJA, NASAPAWAN NI WILLIE KAY JOHN LLOYD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | June 03, 2021




Nababalitang baka pati si Piolo Pascual ay lumipat na rin sa GMA Network at si Mr. Johnny Manahan daw ang kausap ng mga bossing.


Pero kung lilipat man daw si Piolo, sa WBR Productions ni Willie Revillame siya pipirma ng kontrata. Dahil ito kay Mr. M na ang sabi, makakatulong ni Willie na patakbuhin ang kanyang production company.


Lumalabas na si John Lloyd Cruz ang unang artista ng WBR Productions at sumunod nga kaya si Piolo?


Ang WBR Productions ang producer ng Wowowin at magpoprodyus ng sitcom nina John Lloyd at Andrea Torres at baka pati pagpoprodyus ng pelikula ay pasukin na rin nito.


Maganda ang deal ng WBR Productions kay John Lloyd, hindi lang siya talent sa mga gagawing projects sa production ni Willie, co-producer din siya at ganito rin tiyak ang magiging usapan nila ni Piolo kapag pumirma ang aktor sa WBR Productions.


May mga nagtatanong lang, ano na raw ang nangyari sa pinirmahang management contract ni John Lloyd sa Crown Artist Management nina Maja Salvador at Rambo Nuñez?


Comment ng mga netizens, parang nawala sa eksena sina Maja at ang laging nababalita at nababanggit ay si Willie Revillame at ang WBR Productions nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page