top of page

Manager din daw ng aktres… LIZA, MUKHANG MATON AT BLACK AMERICAN NA HOLLYWOOD CELEB PRODUCER ANG BAGONG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 21, 2026



BULGARY - LIZA, MUKHANG MATON AT BLACK AMERICAN NA HOLLYWOOD CELEB PRODUCER ANG BAGONG BF_IG _lizasoberano

Photo: IG _lizasoberano



May kumakalat na balitang may bago nang boyfriend ang aktres na si Liza Soberano, ang black American manager niya ngayon.


Ang pangalan ng guy ay Milano Patrick na mas kilala na “Saintdripthoper”, isang negosyante at Hollywood celebrity producer.


Maraming netizens ang nasayangan sa career ni Liza rito sa Pilipinas. Ayon sa kanila, kung hindi lumipat si Liza bilang Hollywood celebrity, baka mas namamayagpag ang kanyang career dito sa atin. 


Komento ng mga netizens, “Gusto ko pa naman si Liza. Gusto pa kasi n’ya ru’n sa Hollywood, marami doong mga Illuminati star. Sana ay nagtiyaga na lang s’ya rito sa ‘Pinas. Sikat naman din s’ya, ‘di nga lang tulad ng dati.”


“Nakakatakot ang boyfriend n’ya, naku, yari ka r’yan. Pagsasawaan ka n’yan.”

“OMG! Mukhang maton.”


Ayon naman sa ibang netizens, “‘Di ba ‘yan ang kasama ni Liza nu’ng nanood s’ya sa NBA na nasa private seat?”


Well, dyowa na nga kaya talaga ni Liza Soberano ang manager niyang black American? 





Aprub sa kasal ng madir sa bagong dyowa.. 

HIRIT NI ANDREI: AIKO, PARANG DALAGA ULI, TODO-OUT OF TOWN KASAMA SI ONEMIG



APRUB umano sa anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre ang pagpapakasal ng una sa boyfriend nitong si Onemig Bondoc.


Very willing ang young actor kung sakaling magpakasal muli ang kanyang ina. 

Kuwento ni Andre sa ilang entertainment press, “Parang dalaga si Mommy ngayon.

She is really happy. Pa-out-of-town lang nang pa-out-of-town.” 


Nag-propose na raw si Onemig kay Aiko at sinagot niya ito ng “Yes.”

“Nakikita ko sila, mapapa-sana all ka na lang. Happy talaga sila at masaya rin ako para sa kanila dahil nararamdaman ko namang mahal talaga nila ang isa’t isa,” pakli pa niya.


Inggit din umano siya kapag nakikitang super sweet sina Aiko at Onemig. 

Sey niya, “Aaminin ko, minsan, cringe ako ‘pag nagti-TikTok sila, but this must be love!”


Nang tanungin kung kumusta namang boyfriend ng mommy niya si Onemig, aniya, “Okay si Tito. Nakaka-relate s’ya sa akin when it comes to dad issues.


“Magandang payo, nagbibigay s’ya ng payo. Nakikita kong sinusubukan talaga n’yang maging malapit sa amin.”


Kung sakali mang magdesisyon ang dalawa na magpakasal, okey lang daw sa

kanya.


“Go! Maging masaya ka, Mommy. Unspoken na ever since dati, ‘pag gusto n’ya ulit, basta mahal mo at masaya, go!


“Dati, sinasabi n’ya na sapat na kami sa kanya. ‘Pag ‘di naman s’ya pagpalain, nandito lang kami palagi, Ma,” sabi pa ng aktor.





MAGBABALIK-PELIKULA si Yen Santos at inanunsiyo ito sa ABS-CBN account sa Instagram (IG).


Ang title ng movie ay Twist of Fate (TOF) at makakasama niya sina Rafael Rosell, Angelica Lao at Tony Labrusca sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Matagal ding hindi nagpakita sa showbiz si Yen kaya pinutakti na naman siya ng mga bashers.


Nang pansamantalang namahinga ang aktres sa limelight ay napabalitang nanganak daw ito noong panahong ang boyfriend niya ay si Paolo Contis.


Kaya ang komento ng mga netizens, “May ibang aura talaga ang babae ‘pag nanganak. Obvious sa mukha ni Yen na nagkaanak na s’ya. Pero ‘di pa rin n’ya sinasabi.”


Tanong naman ng ilan, “Kay Paolo? So, nambuntis tapos nang-iwan na naman s’ya?”

“Ang babae kasi, ‘pag nanganak, mawawala ang freshness kaya mahahalata kapag nagluwal na ng sanggol kasi bagsak na katawan.”


“Talaga? Eh, bakit mga Hollywood stars na nanganak, ‘di naman bagsak ang katawan?”

“Ang oras ay ang tunay na nagsasabi ng katotohanan. Ilalabas din ‘yan sa future kung may anak man sila ni Paolo.”


Ayon naman sa ibang commenter, “Micro vertical series lang ‘yan, as in low budgeted at ang cheap ng dating.”


“Never ko talaga mage-gets kung bakit popular si Yen. She does not look attractive at all.”

“Kaya pala micro-drama kasi puro micro-starlet ang bida.”

Ganern?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page