top of page

Mambabatas pinaghahanda ang gobyerno sa posibleng power at water shortages

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2022
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | February 14, 2022


ree

Pinaghahanda ng isang mambabatas ang gobyerno sa posibleng water at power interruptions sa mga susunod na buwan dahil sa dry season, lalo na sa panahon ng eleksiyon.


Pinayuhan ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang mga water districts at concerned agencies sa Metro Manila na maghanda ng kanilang contingencies plans.


Noong Enero 1, ang water level sa Angat Dam ay nasa 202.70 meters lamang, kulang ng 10 m para sa 212-m target. Nitong Linggo, ang water level ay nasa 196.11 m, o mababa ng 15 m sa normal water level na 212 m.


Ang Angat Dam sa Bulacan ang main source ng tubig sa Metro Manila.


Sinabi rin ni Herrera na posibleng magkaroon ng power outages sa Mayo dahil sa kaunting supply at mas mataas na demand.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page