top of page
Search

ni BRT @News| July 9, 2023




ree

Bumaba na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa PAGASA, nasa 179.99 meters na lamang ang tubig, mas mababa sa 180-meter minimum operating level.

Mas mababa ito ng 0.46 meter kumpara sa 180.45 meter na naitala kahapon ng umaga, Hulyo 7.


Nabatid na nasa 210 meters ang normal high water level o spilling level ang Angat Dam.

Nasa 90 porsyento ng residente ng Metro Manila ang sinusuplayan ng tubig ng Angat Dam.


Ayon sa National Water Resources Board, babawasan pa ang water allocation sa Metro Manila kapag bumaba ang water level sa Angat Dam.


Samantala, nasa 98.76 meters ang water level sa Ipo Dam sa Bulacan


Nasa 745.32 meters naman ang water level sa Ambuklao Dam sa Benguet habang nasa 236.85 meters ang water level sa San Roque Dam sa Pangasinan at Benguet.


Nasa 179.39 meters naman ang water level sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija habang ang Magat sa Ifugao at Isabela provinces ay nasa 164.81 meters.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 1, 2022


ree

Nagsasagawa ng cloud seeding operations sa Angat Dam kasabay na patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig, ayon sa National Water Resources Board (NWRB) nitong Huwebes.


Ang naturang dam ang primary source ng potable water ng mga residente ng Metro Manila.


Dito rin nanggagaling ang water supply ng irigasyon sa Bustos Dam sa Bulacan at ilang parte ng mga palayang may irigasyon sa Pampanga, maging ng power generation sa Luzon Grid.


Sa isang pahayag, kinumpirma ni NWRB Executive Director Sevilo David Jr. na nagsasagawa ng cloud seeding operations ang Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) simula noong nakaraang linggo.


Nauna nang sinabi ng PAGASA na ang water level sa Angat Dam ay umabot sa critical level sa Hunyo dahil nakikita sa latest na datos ang pagkakatulad nito noong 2010 water crisis.


Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Bulacan, ang water elevation sa Angat Dam ay nasa 190.94 meters as of Thursday morning. Ito ay 10.94 meters na mas mataas sa minimum operating level na 180 meters.


Sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig, binawasan ngNational Irrigation Administration (NIA) has reduced ang supply nito sa south at north service areas sa Bulacan at ilang parte ng mga irrigated na palayan sa Pampanga.



Sa pagsisimula ng dry cropping season, nag-allocate ang NWRB ng 40 cubic meters per second (cms) sa dalawang service areas ng NIA na nire-regulate ng Bustos Dam.


Ayon kay Roberto dela Cruz, NIA provincial manager ng Bulacan, nabawasan ang water allocations sa kanilang service areas sa pag-allocate sa north zone ng eight cms at six cms sa south.


“The reduction in the irrigation allocations in these service areas will take effect at the start of the harvest season with minimal water requirements for maturing rice crops,” ani David.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 14, 2022


ree

Pinaghahanda ng isang mambabatas ang gobyerno sa posibleng water at power interruptions sa mga susunod na buwan dahil sa dry season, lalo na sa panahon ng eleksiyon.


Pinayuhan ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang mga water districts at concerned agencies sa Metro Manila na maghanda ng kanilang contingencies plans.


Noong Enero 1, ang water level sa Angat Dam ay nasa 202.70 meters lamang, kulang ng 10 m para sa 212-m target. Nitong Linggo, ang water level ay nasa 196.11 m, o mababa ng 15 m sa normal water level na 212 m.


Ang Angat Dam sa Bulacan ang main source ng tubig sa Metro Manila.


Sinabi rin ni Herrera na posibleng magkaroon ng power outages sa Mayo dahil sa kaunting supply at mas mataas na demand.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page