top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Mambabatas, humingi ng paliwanag sa DOJ sa mga nakabinbing kaso

Writer: BULGAR
BULGAR
58 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 18, 2026



Department of Justice - Philippines

Photo: Department of Justice - Philippines



Humingi ng paliwanag si Samar 2nd District Rep. Reynolds Michael Tan sa Department of Justice hinggil sa paghawak nito sa mga matagal nang nakabinbing Petitions for Review at Motions for Reconsideration.


Sinabi ni Tan, miyembro ng House Committee on Justice, na nais niyang magsagawa ng congressional inquiry upang suriin ang estado ng mga kasong matagal nang nasa departmental review, matapos makatanggap ng liham mula sa pamilya ng isang magsasakang napatay noong 2017.


Sa liham kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida, hiniling ni Tan ang paliwanag ng DOJ sa status at procedural history ng MR sa kaso ni Enrique Manas Sr.


Nag-ugat ang Manas case sa ambush killing kay Enrique Manas Sr. sa Sta. Margarita, Samar noong 2017. 


Matapos ang ilang pagbabago sa DOJ disposition, ibinalik ni dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Enero 2025 ang prosecution laban sa mga akusado.


Nakatanggap naman ang RTC Tacloban ng criminal information noong Marso 2026, ngunit muling naantala ang proseso matapos maghain ng MR ang dating military colonel na si Emilio Zosa.


Sinabi ni Tan na ang usapin ay hindi lamang tungkol sa isang kaso, kundi sa kung paano matitiyak ang mas mabilis at makatarungang pagresolba ng mga nakabinbing review sa DOJ.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page