top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mamamayan lang ang nagdurusa sa krisis, hayahay lang ang mga pulitiko

BULGAR
Oct 2, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 2, 2022


FAKE NEWS LANG NG MGA BLOGGERS NA HINDI NA MANGUNGUTANG ANG 'PINAS KAPAG NANANALONG PANGULO SI BONGBONG—Sa loob lang ng isang buwan ay nakautang ang Marcos administration ng higit P133.64 bilyon at dahil mahigit P12.89 trilyon ang iniwang utang ng Duterte administration, sa ngayon ay pumalo na sa mahigit P13.02 trilyon ang utang ng Pilipinas sa iba't ibang financial institutions sa mundo.


Ang pag-utang ng Marcos administration ng higit P133.64 bilyon sa loob lamang ng isang buwan ay pagpapatunay na fake news ang ikinakalat sa social media ng mga fake news bloggers na hindi na mangungutang ang Pilipinas kapag naging pangulo si Bongbong Marcos, na kesyo babayaran pa ng pamilya Marcos ang lahat ng utang ng Pilipinas kapag nakabalik na sila sa Malacañang.


◘◘◘


DALAWANG MASAMANG EPEKTO NG BANSANG BAON SA UTANG—Hindi maganda sa isang bansa ang baon sa utang kasi dalawa ang masamang epekto nito sa mamamayan.

Una, para makabayad ng utang, kailangang magtaas ng tax at alam naman natin na kapag nagtaas ng buwis, ang tatamaan ay ang mamamayan dahil magtataasan ang presyo ng mga bilihin at bayarin; at pangalawa, kapag hindi naman nakabayad ng utang sa itinakdang panahon ng mga pinagkautangan, hindi na magpapautang sa bansa ang anumang financial institution at kapag nangyari 'yan, babagsak ang ekonomiya at kapag nabangkarote ang pamahalaan, mamamayan pa rin ang tatamaan, maraming mawawalan ng trabaho, makakaranas ng gutom, matitigil ang serbisyo ng kuryente at tubig, at pati ang health system at edukasyon, damay.


◘◘◘


MAMAMAYAN ANG NAGDURUSA SA PANAHON NG KRISIS, HINDI ANG MGA POLITICIANS—Kapag bumagsak ang ekonomiya ng isang bansa, nabangkarote o kaya’y nakaranas ng krisis pangkabuhayan, mamamayan ang palaging nagdurusa at hindi damay ang mga pulitiko.


Halimbawa, sa Venezuela noong 2016 at Sri Lanka noong 2019, nakita at napanood natin sa mga news at sa social media ang naranasang hirap at gutom ng kanilang mamamayan, 'yung iba ang naobligang kumain ng daga at pusa malamnan lang ang sikmura at ang iba ay naghalungkat na ng makakain sa basurahan, pero ang mga pulitiko sa kanilang bansa, hindi nakaranas ng hirap, kapag sila ay nagmi-meeting, kita na masasarap pa rin ang inihahapag na pagkain sa kanila.


◘◘◘


HUWAG MAGING PANATIKO NG MGA PULITIKO—Sa Pilipinas, bagama't hindi pa naman nakararanas ang gobyerno ng pagkabangkarote, pero nakaranas naman tayo ng krisis na dulot ng pandemya.


Sa nangyari, ang tanong: May nakita ba kayong pulitiko na nakipila at nakipagsiksikan makakuha lang ng ayuda? Wala!


Ang nais nating ipunto ay huwag masyadong maging panatiko sa mga pulitiko, na kapag may mali silang ginawa, dapat silang tuligsain, pero kung mabuti naman ang nagawa ay purihin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page