Mamamayan ang naiipit sa pondong hindi nagagamit
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 01, 2021
Maaari nang magpabakuna ang mga kapamilyang kasama sa bahay ng 1.6 milyong HCWs ng bansa.
Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF), maaaring magpabakuna ang mga kapamilyang may sapat na edad sa ospital na pinagtatrabahuhan ng healthcare workers o sa kanilang lokal na pamahalaan.
Sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chief at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na isinama na noong June 23 sa Priority Group A1.9, o Expanded Priority Group A1, ang mga adult housemates, kasambahay at driver ng mga HCWs.
Ito ay bilang pagtugon sa pangamba ng mga HCWs na ma-expose ang kanilang mga kasama sa bahay sa COVID-19.
Tinatayang nasa 8 milyong katao ang maidaragdag sa bagong expanded group, kung ipagpapalagay na ang bawat HCW ay mula sa household na may 5 miyembro, dagdag ni Cabotaje.
☻☻☻
Tunay na nakapanghihinayang na ibabalik na lamang sa Treasury ang P18.4 billion unutilized funds sa Bayanihan 2 na mag-e-expire sa katapusan ng buwan.
Dahil dito, tiyak maapektuhan ang pagtugon ng bansa sa pandemya.
Habang papalapit tayo sa muling pagbukas ng Kongreso at sa budget season, magsilbi nawa itong babala sa mga ahensiya ng pamahalaan na siguruhing magagamit ang mga pondong nailaan para sa mga layunin nito.
Ang mga kababayan natin ang naiipit sa pondong hindi nagagamit.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments