top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mamamayan ang dapat makinabang sa bilyones na utang ng gobyerno, hindi mga opisyal ng pamahalaan

BULGAR
Oct 7, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 7, 2022


HUWAG SANANG MAPUNTA SA PORK BARREL AT CONFIDENTIAL FUNDS ANG INUTANG NG GOBYERNO—Aprub ang 2.25 bilyong dolyar (P117.3-B) na inutang ng Philippine government para sa mga programa ng Marcos administration.


Sana nga, ang bilyones na inutang ay mapunta sa mga programa ng Marcos administration para sa kapakinabangan ng mamamayan at hindi mapunta sa pork barrel ng mga senador at kongresista o confidential funds ng mga high ranking officials ng pamahalaan.


◘◘◘


HUWAG SANANG MAGING 'PORK' ANG BUDGET SA HALALANG PAMBARANGAY—Pasado na sa Senado at Kongreso ang pagpapaliban sa barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections, at tanging pirma na lang ni P-BBM ang hinihintay upang maging ganap itong batas.


Kaya napagkaisahan ng majority senators at congressmen na ipagpaliban ang halalang pambarangay ay nais kasi nilang magamit ang P8.5 bilyon na pantulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya.


Sana nga, sa mamamayan mapunta ang pera ng bayan at hindi ire-align ng mga sen. at cong. patungo sa kanilang pork barrel.


◘◘◘


SABLAY ANG PAGTALAGA NI P-BBM KAY SEC. LAGUESMA SA DOLE—Ayon sa Philippine Statistics Authority, nadagdagan ng 2.68 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho mula noong Agosto, 2022.


Sablay yata ang pagtalaga ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos (P-BBM) kay Sec. Bienvenido Laguesma sa Department of Labor and Employment (DOLE) kasi kung karapat-dapat ito sa puwesto, sana ay hindi ganyan karami ang nawalan ng work sa loob lang ng halos dalawang buwan.


◘◘◘


DAMING NAGHIRAP SA ADMINISTRASYON DUTERTE, TAPOS INUUNGGOY PA RIN NG SWS ANG MAMAMAYAN—Hanggang ngayon ay nababatikos sa social media ang SWS sa inilabas nilang survey na kesyo mataas pa rin ang rating ni ex-P-Duterte.


Sa totoo lang, mababatikos talaga ang SWS kasi mantakin n'yo, ang daming naghirap sa panahon ng administrasyong Duterte, tapos inuunggoy pa ng survey firm na maganda ang nagawa sa mamamayan ng Duterte administration, kaya high rating pa rin ang ex-president.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page