top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Maluwag na ulit ang EDSA, takot lang ng mga motorista sa COVID variant

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 22, 2021



Nagpaturok na ng moderna vaccine ang ambassador ng Pilipinas sa U.S.


Mauuna rin siyang makatikim ng side-effects.


Obserbahan muna natin siya!


◘◘◘


Hindi raw alam ni P-Digong ang pagkansela ng UP-DND Agreement sa panghihimasok ng mga sundalo sa kampus.


Huh, hindi na naman niya alam?


Nakakahalata na me, ha?


◘◘◘


Nag-positive ang 11 katao na nakasalamuha ng mga Pinoy na unang nagkaroon ng bagong COVID variant.


Kino-contact naman ngayon ang nakasalamuha ng 11 katao na nahawa ng bagong COVID variant!


◘◘◘


Malamig ang klima kaya’t maaaring dumami ang mahahawahan ng bagong variant.


Pero pagbabalik ng init, patay ang virus kay Haring Araw!


◘◘◘


Maluwag na ang trapik sa EDSA.


Natakot ang mga motorista sa bagong COVID variant!


◘◘◘


Malabong magbalik pa ang dating normal.


Tanggapin nating nagsisimula ang abnormal na henerasyon!


◘◘◘


Abnormal na ang sitwasyon ng daigdig pagsapit ng 2022.


Siyempre, para malutas ang krisis, kailangang magwagi bilang pangulo ng Republika ang isa ring abnormal!


◘◘◘


Marami ang nababaliw sa pagsusugal sa stock exchange at foreign currency transactions.


Delikado kayong ma-scam!


◘◘◘


Biglang naramdaman ang matumal na merkado ngayong Enero.


Inaasahang gagrabe ito sa pagpasok ng Pebrero!


◘◘◘


Masasaksihan natin ang unang school graduation nang hindi kailanman pumasok ng school campus ang estudyante at titser.


Graduation sa 2022 ng first batch ng mga abnormal!


◘◘◘


Mag-aaway pa rin ang mga parents and titser sa pagpili ng top abnormal sa klase.


Mayroon din pa kayang palakasan system?


◘◘◘


Tatabo ng kita ang mga school owner kasi tumabao sila ng matrikula nang hindi nagagamit ang mga pasilidad at gusali.


Wala bang refund?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page