top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Maluwag na restriksiyon, pag-aralan kung kailangan ihinto

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 10, 2021


Pagiging kampante dahil sa pagdating ng mga bakuna kontra COVID, kawalan ng disiplina at pagluluwag ng restrictions.


Ilan lang ‘yan sa mga itinuturong dahilan ng pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa sa mga nakalipas na araw.


Kaugnay nito, sisilipin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung naging dahilan ng pagtaas ng COVID-19 cases ang ginawang pagluwag sa mga restrictions kamakailan.


Paliwanag ng isang opisyal, tinitingnan din nila kung ang naging sanhi ng pagtaas ang pagbubukas ng sinehan. Bagama’t aminado ang opisyal na mahigit sa doble ang itinaas ng kaso mula nang luwagan ang restrictions, titingnan din kung muling ipatutupad ang mga barangay quarantine passes para sa mga lumalabas ng kanilang tahanan. Ngunit hindi umano ito nangangahulugang magpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols.


Sa totoo lang, marami talagang dahilan kung bakit tuluy-tuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa. Nariyan din ang kapabayaan ng ilan nating mga kababayan kung saan marami nang nakalimot sa mga umiiral na health protocols, nasa pampublikong lugar o sasakyan man at mga establisimyento.


Napakaliit na ng distansiya ng mga pasahero, hindi lahat ng nakasakay ay nakasuot ng face shield at madalas, mali ang pagsusuot ng facemask.


Sa mga establisimyento naman, dedma na sa health declaration forms ang mga kostumer at hindi na nasusunod ang social distancing.


At isa pa ngang dahilan ay ang hindi na pag-require ng medical certificate sa mga probinsiya, bagay na ikinatuwa ng mga bakasyunista, ngunit ikinabahala ng mga eksperto.


Kaya naman, panawagan natin sa mga kinauukulan, siliping mabuti ang iba’t ibang sanhi ng pagsirit ng COVID cases at hangad nating makatulong ito sa pagdedesisyon sa mga susunod na hakbang kontra pandemya.


Samantala, hiling natin sa publiko, ‘wag tayong magrelaks-relaks dahil hindi pa natin alam ang mga susunod na mangyayari.


Sa ngayon, tiyakin nating nasusunod ang health protocols sa lahat ng oras at ‘wag kalimutang mahaba-haba pa ang laban na ating kinahaharap.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page